Responsive Ad

7 pampaswerteng lafang na pwedeng ihanda sa pagsalubong ng Bagong Taon

7 pampaswerteng lafang na pwedeng ihanda sa pagsalubong ng Bagong Taon

ILANG oras na lamang ay magpapaalam na ang buong mundo sa 2025 para salubungin ang pagpasok ng Bagong Taon

Sa feng shui, ang 2026 o Year of the Fire Horse ay sinasabing iikot sa usapin ng lakas, bilis, determinasyon, tagumpay at kasaganaan. 

Ayon sa feng shui expert na si Johnson Chua base sa panayam ng “Unang Hirit”, “Talagang over fire tayo sa 2026. Magke-create ng horse is a passion energy, so that means nag-creation tayo for 2025, [then] 2026 is more on determination na i-push mo na siya, i-go mo na siya.”

Pero ang warning niya, “Kulang sa water, madaming fire, so medyo kulang sa kalma ‘yung taon, so chances are maraming conflict energy.

“Huwag tayo magpa-derail. Mamaya, nagpapadala lang tayo sa emotions natin, saka ang Horse is ano’ yan eh, vengeful na revengeful pa,” sabi pa niya.

Samantala, naglista naman kami ng mga pagkain na pwede n’yong ihanda sa New Year’s Eve base sa ilang swerte tips ng mga feng shui experts.

spaghetti

NOODLES/SPAGHETTI — long life

fish

FISH — savings

lechon

LECHON — prosperity

pechay

PECHAY — good fortune

CAKE — harmony

peanuts

PEANUTS/SEEDS — fertility

kakanin

SUMAN/KAKANIN – unity

May dala rin daw swerte ang mga pagkaing kulay pula at orange na sumisimbolo ng swerte, lakas at tagumpay tulad ng mansanas, pakwan, strawberry, orange o dalandan at sili.

Narito naman ang iba pang pampaswerte tips na pwede n’yong gawin para sa pagsalubong sa 2026.

1. Buksan lahat ng ilaw sa bahay – Fire element is bright light, gawin maliwanag ang buong bahay para ma-attract ang prosperity money luck.

2. Mag-general cleaning bago pumasok ang 2026. Itapon ang mga sira at lumang gamot para pumasok ang good fortune energy.

3. Palitan ang kurtina. Bagong taon, bagong kurtina.

4. Mag-display ng dragon sa southeast part ng bahay o sa living room para maka-attract ng swerte

5. Palitan ang punda at bed sheet

6. Palitan ang mga sirang ilaw

7. Ayusin ang tumatagas na gripo

8. Linisin ang stove

9. Punuin ng laman ang lagayan ng asin, bigas, asukal

10. Gumamit ng bagong LPG at punuin ang water dispenser

11. Magsuot ng bagong underwear

12. Magpagulong ng kiat kiat papasok ng bahay

13. Magsaboy ng coins papasok ng bahay

14. Gawing maingay at masaya ang buong bahay

15. Magsindi ng 9 incense at mag-cleansing ng buong tahanan

16. Magdasal

The post 7 pampaswerteng lafang na pwedeng ihanda sa pagsalubong ng Bagong Taon appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments