Responsive Ad

12 prutas na pampaswerte, pangtaboy ng malas sa pagpasok ng Bagong Taon 

12 prutas na pampaswerte, pangtaboy ng malas sa pagpasok ng Bagong Taon 

NAKABILI na ba ng mga prutas at bagay na bilog ang lahat!? Siguradong nagkukumahog na naman ang karamihan sa atin sa paghahanda ng Media Noche para sa pagsalubong sa 2026! 

And of course, sure na sure rin kami na busy na ang lahat para makumpleto ang mga pampaswerte at pangontra sa kamalasan sa loob ng ating bahay sa pagpasok ng Bagong Taon.

So, ito na nga mga ka-BANDERA, inilista namin ang ilang mga swerte tips ng mga feng shui expert para mas maging lucky at masagana ang pagpasok ng New Year. 

Pero siyempre, nasa inyo pa ring mga kamay ang inyong magiging kapalaran, ang lahat ng ito ay gabay lamang sa pagtaboy ng mga malas at kanegahan.

Baka Bet Mo: WATCH, NOW NA: Alamin ang mga pampaswerte tuwing Chinese New Year

Unahin na natin for today’s bidyow ang listahan ng 12 prutas na maaari n’yong bilhin at ihanda bukas, December 31, para sa Bisperas ng Bagong Taon.

Ang mga ito ay sumisimbolo sa 12 buwan sa ating kalendaryo. Narito rin ang ibig sabihin ng bawat isang prutas.

APPLE

Kaalaman at karunungan

ORANGE

Pagiging kumpleto at pagkakaisa

BANANA

Harmony sa pagitan ng pamilya at mga kaibigan

WATERMELON

Magadang pag-ikot ng pera

PAPAYA

Maayos na kalusugan

MELON

Maluwag na pagpasok ng pera 

PEAR

Pag-attract ng positive energy sa bahay

KIAT-KIAT

Mas maraming pera

GRAPES

Kasaganaan

PINEAPPLE

Sumisimbolo sa tagumpay 

MANGO

Matibay na ugnayan ng pamilya

LEMON

Nagtataboy ng kamalasan o evil spirits

The post 12 prutas na pampaswerte, pangtaboy ng malas sa pagpasok ng Bagong Taon  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments