Responsive Ad

Imee Marcos barag uli kay Castro sa isyu kay PBBM: Kuwentong walang kuwenta! 

Imee Marcos barag uli kay Castro sa isyu kay PBBM: Kuwentong walang kuwenta! 
Claire Castro, Bongbong Marcos at Imee Marcos

PINANINDIGAN ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na walang bigat ang akusasyon ni Sen. Imee Marcos laban kay Pangulong Bongbong Marcos.

Tinawang ni Castro na “kuwentong kutsero” ang alegasyon ng senadora na hanggang ngayon ay gumagamit daw ng ilegal na droga ang kanyang kapatid. 

Sa gitna ng isyung ito, sinabi ng Malacañang na hindi dapat mabahala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa pasabog na rebelasyon  ni Sen. Imee laban kay PBBM.

Nagpahayag naman ng suporta ang AFP sa Marcos administration matapos ang paglalantad ng mambabatas hinggil sa paggamit daw ng ilegal na droga ng Pangulo.

“Hindi mabigat ang alegasyon ni Sen. Imee, walang basehan, kuwentong walang kuwenta, kuwentong kutsero. So bakit magkakaroon ng pag-aalala ang mga miyembro ng AFP?” ang pahayag ni Castro sa isinagawang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO).

“Wala, hindi dapat seryosohin ang mga alegasyon ni Sen. Imee. Isa lamang itong ingay,” aniya pa.

Kamakailan ay nanindigan din si AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner na mananatili ang kanilang katapatan sa  Konstitusyon, sa gitna ng inilalantad na mga issue laban sa administrasyon ni PBBM.

“Ang Armed Forces of the Philippines ay hindi gagawa ng unconstitutional activites. We will stick to the rule of law at hindi po tayo lalabag dito. 

“Hindi po tayo magkukudeta. Hindi tayo magmi-military junta. Dahil ang kawawa po ay ang ating bansa kapag ginawa natin ito,” ang paniniguro ni Brawner.

The post Imee Marcos barag uli kay Castro sa isyu kay PBBM: Kuwentong walang kuwenta!  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments