Jhai Ho opisyal nang parte ng All Access to Artists, pumirma na ng kontrata

“SA panahon ng pandemya pinagkatiwalaan ako ni Ate Jacqui (Cara – executive producer dati ng online show na ‘Chika Besh’ sa TV5)) at naramdaman ko ‘yung pagmamahal at after ‘Chika Besh’ ay hindi na nila ako pinabayaan ng APT family nina Sir Jojo (Oconer) at Direk Mike (Tuviera),” ito ang bungad ni Jhai Ho sa naganap na contract signing niya sa All Access to Artists o Triple A management.
Naging emosyonal ang DJ-host nang banggitin niya ang Star Magic (ABS-CBN), “Thankful din po of course to my Star Magic family. I’ve been with them since I started with MOR 101.9 (2013) hindi po nila ako pinabayaan malaki ang pasasalamat ko pero sabi ko sa nanay at tatay ko nu’ng time na nag-meeting na tayo (Triple A executives) ng formal naramdaman ko kung paano ako niyakap ng mga taong nandirito pati na rin ng mga tao sa likod, finally kasama na po ako sa All Access to Artists family.”
Inalala pa ni Jhai nang mag-host siya ng una niyang Christmas party sa Triple A ay nilapitan siya ni Mr Tony Tuviera o Mr T at sinabihan ng, “You’ll go places.”
“Ang laki ng tulong nila (Triple A) sa panahon ng walang prangkisa at trabaho (sobrang) minahal po talaga ako ng APT at All Access to Artists, thank you po sa inyong lahat,” pahayag ni Jhai.
Baka Bet Mo: Jhai Ho, Ahwel Paz sanib-pwersa sa ‘Showbiz Sidelines’: GV-GV lang!
Klinaro nito na wala silang bad blood ng Star Magic o ng ABS-CBN dahil naging maayos naman daw ang paalaman niya sa lahat at sa kasalukuyan ay may mga ganap pa rin siya sa istasyon.

Nagkwento rin si Jhai Ho na kamakailan ay nagkasalubong sila ni Mr Johnny Manahan o Mr M (dating head ng Star Magic) na siyang dahilan kung bakit siya napasok ng Star Magic at laking pasalamat niya.
“Nu’ng nagpaalam po ako kay Direk Lauren (Dyogi) at sa handler ko kay Tita Cris Navarro ay hindi basta paalam through text, kundi personal ko po silang pinuntahan sa office at humingi ng basbas at sinabi kong gusto kong mag-explore at walang pagbu-burn ng bridge.
“Hindi kaagad-agad (pag-alis) dahil naghintay ako ng two months at nag-(counter) offer po ulit at nagsabi ako na gusto kong sumubok do’n sa pamilya na matagal ng nagmamahal at sumusuporta sa akin.
“Maayos kasi last Friday, November 7 I’m still part of ‘Bida Kapamilya’ dahil nag-host pa rin ako sa kanila at lahat po ay idinaan sa tamang proseso (pag-alis),” chika ni Jhai.
At ang first project niya kaagad sa Triple A ay mag-host sa event sa Tokyo, Japan ngayong buwan ng Nobyembre at masusundan pa ito sa iba’t ibang bansa dahil nakipag-collab ang nasabing kumpanya.
“Versatile si Jhai Ho, easy to work with,” sey ni direk Michael Tuviera.
Open ang DJ-host sa TV series dahil hanggang ngayon ay maraming nagtatanong kung kailan siya mapapanood sa teleserye at ang gusto niyang maka-partner ay ang kaibigan niyang si Ron Angeles.
“Kasi magkaibigan po kami ni Ron Angeles (romantic comedy) noon pa. Gusto ko po siyang makasama kasi nu’ng bago pa lang siya magka-name sa industry from ‘Showtime,’ magkaibigan talaga kami kahit nu’ng pandemic po,” diin ni Jhai.
Tinanong kung ano ang nagustuhan ni Jhai kay Ron, “’Yung abs po, charot.,” sabay tawang sabi nito.
Walang binanggit si Jhai kung crush niya si Ron pero ipinagdiinan niyang sana magkaroon sila ng project na magkasama.
The post Jhai Ho opisyal nang parte ng All Access to Artists, pumirma na ng kontrata appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments