Responsive Ad

ENHYPEN nag-donate ng P4 million para sa mga nasalanta ng Bagyong Tino, Uwan

ENHYPEN nag-donate ng P4 million para sa mga nasalanta ng Bagyong Tino, Uwan

IBINAHAGI ng K-Pop boy group na ENHYPEN sa pamamagitan ng kanilang entertainment agency na Belift Lab ang pag-aabot nila ng tulong para sa mga Pilipinong nasalanta ng magkasunod na bagyong Tino at Uwan.

Nitong Huwebes, November 20, sinabi ng ahensya na magpapaabot sila ng tulong na nagkakahalagang ₩100 million o tinatayang P4 million pesos.

“We became aware of the recent severe flooding affecting many communities across the Philippines, a country that has long been close to our hearts,” saad ng ahensya ng ENHYPEN sa kanilang pahayag.

Dagdag pa nila, “We wanted to offer our support, even in a small way, and sincerely hope the contributions will be used to help those in need and assist in the ongoing recovery efforts.”

Baka Bet Mo: Song cover ni ENHYPEN Heeseung na ‘Give Me Your Forever’ viral, Zack Tabudlo ‘feeling honored’

Ayon oa sa ahensya, espesyal ang alaala ng ENHYPEN sa Pilipinas dahil dito sa bansa ginanap ang kanilang unang stadium concert sa Southeast Asia.

Sa pamamagitan ng kanilang tulong, hiling nila ang pagbangon ng mga napinsalang lugar dulot ng hagupit ng mga bagyo.

“The Philippines is where ENHYPEN held their first stadium concert in Southeast Asia, and it remains a place of deep significance to both the group and our team. We hope this donation will provide meaningful help to those affected by the recent floods,” ani Belift Lab.

Base naman sa report ng Korea Times, idadaan ang naturang donasyon sa non-government organization (NGO) na “Hope Bridge Korea Disaster Relief Association sa pakikipagtulungan sa Philippine Disaster Resilience Foundation.

Ang ENHYPEN ay isang South Korean boy band na nag-debut noong Nobyembre 2020 kung saan nakilala sila bilang “4th Generation Hot Icons” at “Global K-pop Rising Stars” sa international scene dahil sa dynamic at highly synchronized nilang mga performance.

Ilan sa kanilang pinasikat na kanta ay ang “Given-Taken,” “Mistletoe,” “No Doubt,” at “Bite Me.”

The post ENHYPEN nag-donate ng P4 million para sa mga nasalanta ng Bagyong Tino, Uwan appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments