Responsive Ad

Brent, Vince, Josh, Charlie, Ralph, AZ nagsama-sama uli, pinagkaguluhan ng fans 

Brent, Vince, Josh, Charlie, Ralph, AZ nagsama-sama uli, pinagkaguluhan ng fans 

SAKSI kami kung paano pinagkaguluhan ng kani-kanilang supporters ang Gen Z stars na sina Brent Manalo, Vince Maristela, Josh Ford, Charlie Fleming, Ralph de Leon at AZ Martinez.

Dito namin napatunayan na napakalakas pa rin ng hatak nila sa publiko kahit pa matagal na silang nakalabas sa Bahay ni Kuya bilang dating housemates sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” season 1.

Ito’y nangyari sa ginanap na “All Together Now” Pop-Up ng Penshoppe sa Main Atrium ng SM Mall of Asia noong Nobyembre 14 na itinuturing na  pinakamalaking selebrasyon ngayong taon ng naturang brand. 

Ang campaign na ito ay minarkahan ang unang pagkakataon na pinagsama-sama ng Penshoppe ang lahat ng mga endorser nito sa iisang shoot, isang malaking milestone na binibigyang-diin ang patuloy na pangako ng brand sa pagtataas ng magkakaibang at maimpluwensyang boses sa fashion, entertainment, at kultura ng kabataan.

“Ang All Together Now ay nagdiriwang kung paano nagniningning ang indibidwalidad kapag nagsasama-sama ang mga tao.

“Pinag-iisa ng campaign na ito ang aming mga ambassador sa unang pagkakataon, na nagpapakita kung ano ang pinaninindigan ng brand ngayon: pagkamalikhain, pagiging tunay, at komunidad,” ayon sa iconic brand.

Samantala, hindi naging maramot sina Brent, Vince, Josh, Charlie, Ralph at AZ dahil talagang paulit-ulit silang lumapit sa audience upang magpa-selfie na sila pa mismo ang humahawak ng cellphones.

May nakita kaming fan ni Brent na may DS (down syndrome) na talagang nakipagsiksikan para makunan ng malapitan ang binata at itinuro namin ito sa handler niya na sinenyasan naman niya at sabay lapit saka nagpa-selfie.

Grabe ang saya nu’ng bata na pagkatapos niyang magpa-picture ay umalis na dahil nga sobrang naiipit na siya.

Hanggang sa pumasok na ang mga celebrity ambassador sa store para mamili kaya naman nagtakbuhan din ang fans kaya’t kinailangang maglagay ng kurdon ang ilang security staff ng mall at masuwerte ang mga naunang makapasok dahil nakalapit sila sa kani-kanilang mga idolo.

Samantala, kinabukasan, Nobyembre 16 ang finale ng “All Together Now Pop-Up” kung saan naki-join naman sina James Reid, Darren Espanto, Cassy Legaspi, at Ysabel Ortega bilang endorsers din ng naturang brand.

The post Brent, Vince, Josh, Charlie, Ralph, AZ nagsama-sama uli, pinagkaguluhan ng fans  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments