Donny Pangilinan, Kyle Echarri buwis-buhay sa ‘ROJA’, hindi nagpa-double

CERTIFIED action stars na ang mga Kapamilya matinee idol na sina Donny Pangilinan at Kyle Echarri.
Sumabak sa buwis-buhay na mga eksena at matitinding stunts ang dalawang aktor sa upcoming ABS-CBN at Dreamscape Entertainment series na “ROJA”.
At take note ha, hindi nagpa-double sina Donny at Kyle sa maaaksyon at delikado nilang mga eksena, pero may mga nakaantabay naman daw mga stuntman at medical staff sakaling magkaroon ng aksidente sa set.
Feeling naman daw ng dalawang Kapamilya stars kering-keri nilang gawin ang mga unang action scenes na ipinagawa sa kanila sa “ROJA” kaya hindi na sila nagpa-double
Baka Bet Mo: Donny Pangilinan binalikan ang grade school, nag-donate ng P1-M
Isa raw sa most memorable action stunts na ginawa nila so far sa serye ay ang eksenang may pagsabog na hindi nila akalaing ganoon katindi.
“May eksena kami na sumabog iyong bomba, hindi po kasi namin alam, ang akala namin parang may fire lang or may effects lang,” pahayag ni Donny.
“Tapos naka-ready na kami (nagmuwestra na babaril), and 3-2-1! Boom! Sumabog nang ganoon kalakas! Sobrang laki ng sabog. Lumipad talaga kami. Ang ganda, ang ganda talaga ng scene na yun!” kuwento pa ni Donny.
Inamin din nina Donny at Kyle na talagang nakasugat-sugat at nagkapasa sila sa ilang bahagi ng katawan dahil sa mga intense at buwis-buhay nilang mga eksena.
Samantala, excited na rin sina Donny at Kyle sa pagsisimula ng pinakabagong action-drama serye ng ABS-CBN na tatalakay sa kanilang pakikipagsapalaran sa isang malaking iskandalo ng pangho-hostage.
Unang mapapanood ang “ROJA” sa Netflix simula November 21 at sa iWant simula November 22, at magiging available sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5 sa November 23, 8:45 p.m.
Parehong magaling sa martial arts at sa pakikipagbakbakan ang mga karakter nina Donny at Kyle kung saan isang head chef si Liam (Donny), at si Olsen (Kyle) naman ay isang palaban na miyembro ng security team ng resort.
Iikot ang kwento ng “ROJA” sa dating mag-best friend na ngayon ay magkaribal na sina Liam at Olsen. Kasama rin nila sa serye si Maymay Entrata bilang si Luna, ang best friend ni Liam na kabilang din sa culinary staff.
Malalim ang magiging lamat sa relasyon ng dalawa dahil mapupuno ng hinagpis ang puso ni Liam nang malaman niyang may kabit (Yassi Pressman) ang tatay niya (Raymond Bagatsing) at matagal na pala itong kinukunsinti ni Olsen.
Kasabay ng alitan nina Liam at Olsen, magiging mala-bilangguan naman ang engrandeng island resort na La Playa Roja dahil sa pangho-hostage ng isang kahina-hinalang grupo ng mga armadong indibidwal sa pangunguna ng mga karakter nina Yassi at Joel Torre.
Malalagay sa panganib ang buhay ng mga resort staff pati na rin ang mga bisita na kinabibilangan ng mga kilalang personalidad at mayayamang tao.
Dahil sa krisis, mapipilitan sina Liam at Olsen na isantabi ang alitan at magtulungan na pabagsakin ang kalaban.
Madadamay din sa gulo ang kanilang mga pamilya na malalim na rin ang pinagsamahan – ang mga magulang ni Liam na ginagampanan nina Raymond at Lorna Tolentino, at ang nanay ni Olsen na ginagampanan ni Janice De Belen.
Magkakaayos pa kaya sina Liam at Olsen? Sino-sino ang makakaligtas sa karumaldumal na hostage-taking? Yan ang isa sa dapat abangan ng mga manonood.
Kabilang din sa cast ng “ROJA” sina Sandy Andolong, Robert Seña, Nikki Valdez, Cris Villanueva, Zia Grace, Bernard Palanca, Marc Abaya, Gello Marquez, Harvey Bautista, Lou Yanong, Kobie Brown, Benedict Cua, Iñigo Jose, Maika Rivera, AC Bonifacio, Emilio Daez, Xilhouete, Kai Montinola, Rubi Rubi, Sophie Reyes, Rikki Mae Davao, Inka Magnaye, Vangie Castillo, Levi Ignacio, Floyd Tena, Rans Rifol, Igi Boy Flores, at Raven Molina.
Mula ito sa direksyon nina Lawrence Fajardo, Rico Navarro, Andoy Ranay, at Raymund Ocampo.
The post Donny Pangilinan, Kyle Echarri buwis-buhay sa ‘ROJA’, hindi nagpa-double appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments