Responsive Ad

Zsa Zsa Padilla biktima ng sindikato, nagbabala sa publiko: SCAM ALERT!

Zsa Zsa Padilla biktima ng sindikato, nagbabala sa publiko: SCAM ALERT!
Zsa Zsa Padilla

NALOKA ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla nang malamang may mga sindikato sa social media na gumagamit sa pangalan at litrato niya para makapang-scam.

Isang online page ang natukoy ng Kapamilya actress-singer na nagpapakalat daw ng mga mali at pekeng impormasyon tungkol sa kanya, kabilang na ang paggamit sa mga litrato niya sa fake online advertisements.

Nag-post si Zsa Zsa sa kanyang Instagram account ng babala sa publiko lalo na sa web page na “Zsa Zsa Daily Life” kung saan nakabalandra ang kanyang pangalan at mga litrato kasama ang kanyang pamilya.

Kung titingnan mo ang naturang website ay aakalain mong legit ito pero puro kasinungalingan daw ang naka-ppst dito, ayon sa Divine Diva. 

May mga image rin daw siya na AI-generated at ginagamit ng naturang sindikato para palabasing nagpo-promote siya ng online gambling. 

Warning ni Zsa Zsa sa madlang pipol, “BABALA SA PUBLIKO: FAKE NEWS/SCAM ALERT!

“Ipinapaalam po namin na may ilang mga pahina- lalo na ang ‘Zsa Zsa Daily Life’ – na kumakalat ng pekeng balita at kwento gamit ang aming pangalan at mga larawan para magbenta ng mga produktong wala kaming alam o kinalaman,” pagayag ng aktres at singer.

Pagpapatuloy pa niya, “Sinasabi pa nila na uminom daw kami ng ‘miracle milk’ at gumaling sa sakit – kahit hindi naman totoo at wala kaming ganung karamdaman! 

“Mayroon din silang mga AI videos na parang ako raw ay nagpo-promote ng online gaming – FAKE NEWS din ‘yan!

“Hindi kami konektado sa mga produktong ‘yan.

“Hindi namin inendorso o ginamit ang mga ito.

“At lalo na, hindi kami nagpo-promote ng online gaming.”

“Paalala sa lahat:

“Maging maingat sa mga nababasa online.

“I-verify muna bago mag-share o mag-comment.

“I-report ang mga fake pages at misleading content.

“Tulong-tulong tayong labanan ang disinformation at fake news!”

The post Zsa Zsa Padilla biktima ng sindikato, nagbabala sa publiko: SCAM ALERT! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments