Responsive Ad

Villar iginagalang ang desisyon ng Korte Suprema sa impeachment trial ni VP Sara

Villar iginagalang ang desisyon ng Korte Suprema sa impeachment trial ni VP Sara
Sen. Mark Villar

MATATAG na ipinagtanggol ni Senador Mark Villar ang Konstitusyon ng Pilipinas sa Senado, habang ipinapaliwanag ang kanyang boto laban sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, kasunod ng makasaysayang desisyon ng Korte Suprema.

Nauna nang ideklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang mga Artikulo ng Impeachment laban sa Pangalawang Pangulo, dahil sa paglabag sa “one-year rule” at due process.

Ang nagkakaisang pasya, na inilabas noong July 25, ang naging batayan ng paliwanag ni Sen. Villar sa kanyang boto.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Villar ang obligasyon ng Senado na igalang ang kapangyarihan ng Korte Suprema bilang pinakamataas na tagapagsalin ng Konstitusyon.

Baka Bet Mo: Villar nais paimbestigahan sa Senado ang taas-presyo ng pamasahe sa domestic flights

Binanggit niya ang Artikulo VIII, Seksyon 1 ng Konstitusyon, na nagbibigay kapangyarihan sa hudikatura na pigilan ang matinding pag-abuso ng sinumang sangay ng pamahalaan, kasama na ang Senado bilang impeachment tribunal.

“Walang sinuman, kahit ang Senado, ang maaaring palitan ang opinyon ng Korte sa mga usaping may kinalaman sa Konstitusyon,” sey ni Villar, habang binanggit ang kasong Angara vs. Electoral Commission bilang patunay sa papel ng Korte Suprema.

Mula sa legal patungong moral na pananagutan, ginamit ni Villar ang Panunumpa ng mga Senador, na nagsasabing dapat nilang itaguyod ang Konstitusyon at sundin ang mga legal na kautusan.

Nagbabala siya na ang pagsuway sa desisyon ng Korte ay maaaring magdulot ng krisis sa Konstitusyon na sisira sa pundasyon ng demokrasya ng bansa.

“Kung susuway tayo sa desisyon ng Supreme Court sa isang isyung konstitusyonal, binabalewala natin ang konstitusyon,” sambit niya, na binigyang-diin ang kahalagahan ng integridad ng mga institusyon at respeto sa kapangyarihang pantay-pantay ng bawat sangay ng pamahalaan.

Sumang-ayon din si Villar sa pananaw ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, ang ponente ng desisyon ng Korte, na dapat laging alinsunod sa due process ang impeachment process, kahit ito ay isang political na proseso.

Binigyang-diin niya na ang pagprotekta sa karapatan at pagsunod sa tamang proseso ay para sa lahat—mula sa matataas na opisyal hanggang sa karaniwang mamamayan.

“Pinatutunayan ng desisyong ito na ang due process ay hindi isang hungkag na salita,” wika ni Villar.

Patuloy niya, “Ito ay isang pangakong katarungan na handang panindigan ng ating mga institusyon.”

Nagtapos siya sa isang makapangyarihang sipi mula kay Justice Leonen: “May tamang paraan para gawin ang tama sa tamang panahon. Ito ang ibig sabihin ng Rule of Just Law.”

Pinagtibay ng paliwanag ni Senador Villar ang kanyang paninindigan sa kaayusang konstitusyonal at sa legal na proseso, at nilinaw na ang kanyang boto ay hindi pagtalikod sa kasarinlan ng Senado kundi pagtindig para sa kataas-taasang batas ng bansa.

The post Villar iginagalang ang desisyon ng Korte Suprema sa impeachment trial ni VP Sara appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments