Joey Marquez maligaya sa piling ng non-showbiz GF; BFF pa rin si Alma

KAHIT naghiwalay na, napanatili pa rin ng dating celebrity couple na sina Joey Marquez at Alma Moreno ang kanilang pagkakaibigan.
Sa katunayan, maituturing na rin nilang BFF ang isa’t isa dahil sa tagal na ng kanilang pinagsamahan lalo na bilang mga magulang sa kanilang mga anak.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan ay nabanggit nga ni Tsong Joey na maayos na maayos ang relasyon nila ngayon ni Alma.
“Kasi siguro, na-realize namin pareho, na kailangan i-consider namin ang mga anak namin.
“Whatever na mag-away kami, maapektuhan ‘yung mga bata. So what we did, sabi ko, ‘Hindi man tayo tumagal ng husband and wife, but we can be friends or best friend.
“By doing that, para naman ma-compensate naman ‘yung lungkot ng mga anak natin na naghiwalay tayo,’” esplika ng veteran actor.
Biniyayaan ng apat na anak sina Joey at Alma – yan ay sina Yeoj, Winwyn, Vitto at Em-em.
Sa ngayon ay may non-showbiz partner si Joey — si Malu Quintana at mukhang pang-forever na nga ang kanilang relasyon dahil bukod sa maligaya sila sa piling ng isa’t isa ay malayo rin sila sa intriga.
Ayon kay Tsong, ipinapaalam niya kay Malu kapag makikipag-usap siya kay Alma bilang respeto sa kanilang relasyon.
“Siyempre with due respect din. Respeto sa lahat. Kasi, siyempre, ‘yung ka-partner mo, huwag mo siyang iba-blind side, kailangan alam din niya because that’s what partners are for,” paliwanag ni Joey.
At in fairness, friends din daw sina Alma at Malu, “Ang sabi ko nga, ‘Nagkamali na ako, umabuso na ako, bakit ko pa gagawing malala?’ Siguro I have to solve it in a good way.”
The post Joey Marquez maligaya sa piling ng non-showbiz GF; BFF pa rin si Alma appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments