Responsive Ad

Sarah Lahbati proud ibinandera sa socmed ang pagiging ‘single and happy’

Sarah Lahbati proud ibinandera sa socmed ang pagiging ‘single and happy’
PHOTO: Facebook/Sarah Lahbati

HALOS ipagsigawan ng actress-model na si Sarah Lahbati sa buong universe ang kanyang estado ng kanyang puso ngayon.

Ito ay isang buwan nang magkaroon ng exclusive interview ang BANDERA kung saan siya’y umamin na single siya.

Sa isang TikTok post recently, ibinandera ni Sarah ang isang video kasama ang isang lalaking kaibigan na nili-lipsync ang ilang famous lines mula sa seryeng “Sex and the City.”

“We were the only single people in there,” pagli-lipsync ng kanyang friend.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati may something sa bag, netizens napataas ang kilay

Bukambibig naman ng aktres, “Miranda, we are the only single people anywhere.”

Bukod diyan, ang caption pa ni Sarah sa post ay, “Single and happy tho.”

<blockquote class="tiktok-embed" cite="https://www.tiktok.com/@sarahlahbati_/video/7534320759112617233" data-video-id="7534320759112617233" style="max-width: 605px;min-width: 325px;" > <section> <a target="_blank" title="@sarahlahbati_" href="https://www.tiktok.com/@sarahlahbati_?refer=embed">@sarahlahbati_</a> <p>single and happy tho </p> <a target="_blank" title="♬ som original - lipe" href="https://www.tiktok.com/music/som-original-7515037200405302021?refer=embed">♬ som original - lipe</a> </section> </blockquote> <script async src="https://www.tiktok.com/embed.js"></script>

Mukhang inusisa ng maraming netizens at Marites ang nasabing post dahil biruin mo, umani na ito ng mahigit one million views!

Magugunitang sa panayam ng BANDERA kamakailan, sinabi ng celebrity mom na focus muna siya ngayon sa pagtatrabaho at pag-aalaga sa kanyang mga anak.

Ang paglilinaw niya na walang siyang boyfriend ay matapos ngang maintriga about her supposed lovelife.

Matatandaang noong mga nakaraang buwan nang ma-headline muli ang aktres dahil sa pagkaka-link sa kanya kay Tacloban City Councilor Ferdinand Martin “Marty” Romualdez, Jr.

Sa mga hindi pa aware, si Konsehal Marty ay anak nina House Speaker Martin Romualdez at Tingog party-list Rep. Yedda K. Romualdez.

Ngunit namatay din bigla ang naturang chika dahil wala ngang nagsalita kina Sarah at Marty kung totoo o hindi ang naglabasang balita.

Sa ngayon daw, ang priority ni Sarah at ng estranged husband na si Richard Gutierrez ay maging maayos at maganda ang pagpapalaki at pag-aalaga nila sa dalawang anak sa kabila ng kanilang separation. 

The post Sarah Lahbati proud ibinandera sa socmed ang pagiging ‘single and happy’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments