Joshua Garcia muntik sukuan ang career: Walang mangyayari sa ‘kin

DUMATING din pala sa punto na gusto nang sukuan ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia ang kanyang showbiz career at bumalik na lamang sa normal niyang buhay sa Batangas.
Inamin ni Joshua na dumaan din siya sa ilang pagsubok lalo na noong medyo confused na siya sa kanyang ginagawa – kung magdadrama ba siya, magsasayaw o kakanta na lang?
Sa naganap na presscon ng current teleserye niya sa ABS-CBN na number one TV show din sa Netflix Philippines, ang “It’s Okay To Not Be Okay”, game na game na sinagot ni Joshua ang ilang maiintrigang tanong.
Isa na nga riyan ang question kung dumating na ba siya sa point na nasabi niya sa sarili ang linyang “it’s okay to not be okay” bilang isang actor.
“Biggest challenge sa career ko? Before actually meron akong… kasi bilang isang artista, kailangan mong pumili ng larangan kung saan mo gustong mag-excel o gusto mong makilala ka.
“Noong time na ‘yun, challenge sa akin kung ano ang pipiliin kong larangan. Acting ba o gusto ko na lang sumayaw na lang, o gusto kong kumanta.
“And at that time, mas gusto kong umarte. That was the time na… kaya ako dumating sa ganu’ng decision, kasi nawawalan na rin ako ng work, natatanggal ako.
“Kumbaga, noong umpisa bida ako, then, naging third wheel ako. Tapos ‘yun nga, natatanggal na ako.
“So kailangan kong pumili. Kasi kung hindi ako pipili, uuwi ako ng Batangas, kasi walang mangyayari sa akin dito sa Maynila. Feeling ko ‘yun ang pinakamalaking challenge sa akin,” tuluy-tuloy na pahayag ng binata.
Aniya pa, “Kumbaga nag-iba ang buhay ko after that decision. Na sinipag na nga akong mag-workshop, nagsipag na ako.”
At mukhang tama naman ang naging desisyon ni Joshua dahil isa na siya ngayon sa mga pambatong leading man ng ABS-CBN at ngayon nga ay umaani ng papuri sa “It’s Ok To Not Be Okay” bilang si Patpat kasama sina kasama sina Anne Curtis as Mia and Carlo Aquino as Matmat.
Paglalarawan naman niya sa kanyang role, “Ang bigat nung dinadala ng character ko rito. Ang dami niyang pasan. Pasan niya ‘yung mundo.
“Pasan niya ‘yung kapatid niya tapos ‘yung sa nanay niya pa, ‘yung hustisya and then ito pa, ‘yung issue niya sa gusto niya nung bata siya. I think, mas dun ako nag-focus, kung paano ko bubuuin si Patrick.
“Kung paano ‘yung emotional ano niya…kung paano siya magdesisyon, mga ganu’n,” pahayag pa ni Joshua.
Nahingan din siya ng advice para sa mas batang kasamahan niya sa serye, “Ako, advice ko? Parang nakakahiya mag-advise sa kanila. Siguro ano na lang, ang hirap naman. Huwag kayong mapagod matuto.
“Huwag ninyong isipin na magaling na kayo kasi kahit ako, hanggang ngayon, ganu’n ako eh.
“Pero huwag naman kayong ma-frustrate sa mga ginagawa ninyo pero ‘wag lang kayong mapagod matuto. Maganda ‘yun eh, palaging may bago kayo sa sarili ninyo. Palaging may bago kayong natututunan tapos maa-apply ninyo sa next project ninyo.
“May bago kayong nakasama, may natutunan ka du’n. Palaging may bago tapos of course, always respect sa mas matanda sa inyo sa industriya and of course, ‘yung mga staff natin, ‘yung crew kasi nasa kanila ‘yung chismis. Alagaan ninyo sila,” saad pa ni Joshua.
Napapanood ang Pinoy version ng “It’s Okay To Not Be Okay” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, at sa TV5.
The post Joshua Garcia muntik sukuan ang career: Walang mangyayari sa ‘kin appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments