Responsive Ad

Sandro Muhlach imbitado sa GMA Gala 2025 pero hindi um-attend, dahil…

Sandro Muhlach imbitado sa GMA Gala 2025 pero hindi um-attend 
Sandro Muhlach

MAS pinili na lamang ng Kapuso Sparkle artist na si Sandro Muhlach na hindi um-attend sa naganap na GMA Gala 2025 noong August 2.

In fairness, invited naman daw ang binatang anak ng veteran actor na si Niño Muhlach sa naturang Kapuso event pero nagdesisyon ang binata na huwag nang pumunta.

Isa ito sa napag-usapan sa latest episode ng “Showbiz Updates” YouTube vlog ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz.

“To be honest, si Sandro Muhlach ay invited. Pero pinili ng bata na huwag um-attend. Kasi una, kung a-attend siya, maaalala na naman niya,” ang pahayag ni Ogie sa kanilang online talkshow.

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang panghahalay umano sa kanya ng dalawang personalidad na konektado noon sa Kapuso Network.

Pagpapatuloy ni Ogie, “Pangalawa, pagpipiyestahan na naman siya. Siyempre, itatanong na naman du’n kapag may naka-corner sa kanya. ‘O, anong feeling naka-attend ka na naman? Wala bang nag-imbita after Gala?’ 

“So, ayaw na niya nang ganu’n,” dagdag pang pahayag ni Mama Ogs.

Pero kung hindi na um-attend si Sandro, present naman sa Kapuso event ang kanyang girlfriend na si Shanelle Agustin.

Kung matatandaan, sinampahan ni Sandro ng kaso ng panghahalay ang dalawang independent contractors ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz sa loob ng isang hotel na nangyari umano pagkatapos ng GMA Gala 2024.

inimbestigahan pa ito sa Senado sa pangunguna ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na pinamunuan ni Sen. Robin Padilla.

Mariing idinenay ng dalawang akusado ang lahat ng akusasyon ng anak ni Niño Muhlach. Umapela sina Jojo Nones at Richard Cruz sa korte na ibasura ang isinampang kaso laban sa kanila.

Pero noong February, 2025, naglabas ng desisyon ang Pasay Regional Trial  Court 114 na ibasura ang inihaing motion to quash nina Jojo Nones at Richard Cruz sa kasong sexual assault.

The post Sandro Muhlach imbitado sa GMA Gala 2025 pero hindi um-attend, dahil… appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments