Romnick Sarmenta binarag mga bashers sa socmed: Iyak na ba ‘ko?

SINUPALPAL ng award-winning actor na si Romnick Sarmenta ang ilang bashers na nambasag sa kanya kaugnay ng mga ipino-post niya sa social media.
Napansin ni Romnick ang tatlong netizen na “nangdededma” sa kanya at nagsabing hindi naman daw nila kilala ang aktor kahit na marami ang nagkokomento na sikat ang aktor.
Sa isang X post ni Romnick, sinabi ng beteranong aktor na naku-curious siya sa mga nagsasabing huwag na lang siyang pansinin sa mga ipino-post nito sa social media tungkol sa mga social at political issues dahil hindi naman siya kilala.
“Sabi nu’ng isa, wag kasi nating pansinin, sino ba yan? Pero mga apat na beses nag comment,” pahayag ni Romnick.
Dugtong pa niya, “Check ko profile…Ayun dalawa followers, anime pa yung isa. Hay may tatlong di pumansin sa akin. Iyak na ba ako? Hindi. May bayad yun eh.”
Hindi man nagbanggit ng pangalan si Romnick, marami ang humula na mga DDS ang pinatatamaan nito sa kanyang mga socmed posy, kabilang na ang pagkampi niya kay Vice Ganda.
Sa gitna kasi ng panawagan ng mga DDS na iboykot ang fast food chain na ineendorso ng Unkabogable Star matapos gawing joke si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa concert nila ni Regine Velasquez, ay tila nang-asar pa si Romnick.
Nag-order at kumain daw si Romnick sa naturang fast food chain kahit hindi naman siya nagugutom. Ibig sabihin, suportado at kinampihan ng aktor si Vice habang binabatikos ng mga tagasuporta ni Duterte.
Isa si Romnick sa mga kilalang celebrities na matapang na naglalabas ng saloobin tungkol sa mahahalagang kaganapan sa politika.
Recently ay nagpahayag siya ng kanyang sentimyento hinggil sa mga public servant at politiko na binabaluktot ang batas.
The post Romnick Sarmenta binarag mga bashers sa socmed: Iyak na ba ‘ko? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments