Producer hirap sa budget: Naudlot ang pelikula, ‘di pa bayad ang malalaking artista

“NAUBUSAN ng budget, nagalaw ang pera sa ibang project,” ito ang chika ng aming source tungkol sa pelikulang ilang taon ng nahinto.
Nanghihinayang ang mga bida ng pelikula na pawang malalaki ang pangalan dahil maganda ang kwento kaya’t umaasa silang makalikom muli ang producer ng malaking budget para matapos na nila.
Ang isa pang isyu ay nadamay ang ilang artistang binayaran ng tseke pero nagtalbugan dahil sa kawalan ng pondo.
Bukod sa mga malalaking artista ay may nadamay pang maliliit na production staff na hindi rin nabayaran.
Baka Bet Mo: Direktor, producer imbiyerna sa epal at sumbungerang aktres
Sa kasalukuyan ay naghahanap ng pang-pondo ang producer para matapos na ang pelikula.
“Sana makahanap na agad dahil ang direktor ay maraming tanggap na projects at baka hindi na swak sa schedules niya kapag back to-shoot na ang pelikula,” sey ng aming source.
The post Producer hirap sa budget: Naudlot ang pelikula, ‘di pa bayad ang malalaking artista appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments