Vilma Santos-Recto may 15 FAMAS awards na, inialay sa pamilya at fans

15 AWARDS na sa FAMAS ang kabuuang natatanggap ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto mula nang magsimula siya sa showbiz industry.
Ito ang pagmamalaki niyang sinabi sa kanyang acceptance speech nang tanggapin ang FAMAS Circle of Excellence Award nitong Biyernes ng gabi, August 22, sa Manila Hotel.
“Sa loob po ng pitumput tatlong (73) taon, eto pa rin po ako kasama n’yo pa rin po. Kung hindi po ako nagkakamali, ito na yata ang aking ika-14th, 15th recognition coming from the FAMAS,” bungad ni Gov. Vilma.
Ipinaalala niya sa mga hindi nakakaalam na nagsimula siya bilang child actress noong 1962, nakakuha na rin ng limang Best Actress awards, Hall of Fame, Lifetime Achievement award, FAMAS Exemplary Achievement award, FAMAS Presidential award, Best Producer and Best Picture for the movie “Pagputi ng Uwak, Pag Itim ng Tagak” handog ng VS Films, at FAMAS Circle of Excellence (apat na beses na).
Baka Bet Mo: Vilma Santos kumain ng Tawilis bilang patunay na ligtas: Nothing to worry!
“’Yung una po ay 1992, Sinungaling mong Puso, and then 1993 Dolzura Cortez Story about AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome), 2024 When I Met You in Tokyo at ngayon pong 2025, Uninvited.
“FAMAS, maraming-maraming salamat po. I just want to thank my family ng Uninvited, mula po sa Mentorque Production maraming salamat Bryan (Diamante). Sa Project 8 Projects, Direk Dan Villegas maraming salamat po at maraming salamat din sa hiniling ko sa ‘yo na sumugal ka kay Eva Candelaria (at) nabigyan mo naman ako ng ibang klaseng ina na lalaban para sa anak at iyon ang Uninvited, si Eva Candelaria, maraming salamat direk.
“Gusto ko rin pasalamatan ang pamilya ko sa Uninvited of course si Aga Muhlach, Aga maraming salamat at maligaya ako na nakasama ka ulit and of course Ms. Nadine Lustre karangalan kong makasama ka sa pelikula, si Mylene Dizon, Tirso Cruz lll, at ‘yung aking mga Barako na nakasama ko sa Uninvited, sa inyong lahat maraming – maraming salamat,” mahabang mensahe ni Gov. Vilma.
Dagdag pa, “Alam po natin na ang ating industriya ngayon ay dumadaan ng pagsubok pero naliligayahan naman po ako dahil hindi po tumitigil ang ating mga kasamahan sa industriya at mga organisasyon para ipakita pa rin po nila at iparamdam ang full support sa movie industry at panatiliin itong matatag pa rin at buhay kamukha po ng Mowelfund ni Tita Boots (Anson Roa-Rodrigo), ng Film Academy of the Philippines, ang ating FAP (Film Academy of the Philippines) ni Sir (Paolo) Villaluna, ang ating AKTOR na kasama po ako ni Dingdong Dantes para po suportahan ang aming pamilya sa industriya ng pelikula.”
Pinasalamatan din ni Ate Vi si President Bongbong Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta Marcos dahil tumutulong sila sa movie industry para maging competitive at mailabas natin at matulungan at maging matatag pa ang Pellikulang Pilipino.
Nasambit din ng Star for All Seasons na balik public service na siya at kung magkaroon ng problema tungkol sa kalusugan ay ‘wag mag-atubiling humingi ng tulong sa kanya dahil bukas siya 100%.
At panghuli ay inialay ni Ate Vi ang ika-apat na FAMAS Circle of Excellence award sa kanyang mga kapatid, asawa, anak na si Luis Manzano, apong si Peanut, manugang na si Jessy Mendiola-Manzano at sa bunsong anak na si Congressman Ryan Christian Recto.
Hindi rin niya nakalimutang banggitin ang buong lalawigan ng Batangas na isang pamilya ang turing ni Governor Vilma at ang faithful Vilmanians mula noon hanggang ngayon.
The post Vilma Santos-Recto may 15 FAMAS awards na, inialay sa pamilya at fans appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments