Responsive Ad

Isko Moreno: Binu-bully? Nahuli lang, nabisto lang, kaya umiiyak kayo!

Isko Moreno: Binu-bully? Nahuli lang, nabisto lang, kaya umiiyak kayo!
Isko Moreno

HINDI nagpasindak si Manila City Mayor Isko Moreno sa isang kongresista ng Maynila na tumawag sa kanya ng “alkaldeng bully.”

Ito’y may kaugnayan sa mga umano’y kuwestiyonableng proyekto na ipinatatayo sa Maynila na nadiskubre kamakailan ni Mayor Isko.

Walang binanggit na pangalan ang alkalde pero marami ang naniniwala na ang tinutukoy niya ay si Manila City 3rd District Rep. Joel Chua.

Matapang na sinagot ni Mayor Isko ang naging pahayag ni Chua sa “Yorme’s Hour with Mocha Uson” kung saan tinawag nga siyang alkaldeng bully dahil sa pagpapatigil niya sa construction ng community center sa Sta. Cruz, Maynila.

“Ano raw? Binu-bully? Nahuli lang, nabisto lang kaya umiiyak kayo. Wala na po kayong mabobola ngayon, mga iyakin,” ang pahayag ni Mayor Isko.

“Dati kayo ang nambibisto. Ngayon, kayo ang nabisto umiiyak kayo na binu-bully kayo? Hindi, hindi kayo binu-bully. Ayaw n’yo lang mabisto,” aniya pa.

Nagsimula ang isyu sa pagitan ng dalawang opisyal nang sitahin ni Mayor Isko ang ipinatatayong community center sa Sta. Cruz, Manila dahil sa kawalan umano ng permit nito.

“Lahat ‘to kumpiskahin n’yo, ha. Wala permiso ‘yan. I-penalized n’yo lahat ng mga gamit nila dito. Tang*n*ng mga congressman ‘yan,” ang matapang na utos ng alkalde sa kanyang mga tauhan.

Rumesbak naman si Chua sa ginawa ni Yorme sa pamamagitan ng isang video kung saan sinabihan nga niyang bully ang alkalde.

“Masyado po siyang bully na mayor. Bakit puro kalaban lang niya ang ginigiba niya,” ang sentimyento ni Chua.

The post Isko Moreno: Binu-bully? Nahuli lang, nabisto lang, kaya umiiyak kayo! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments