Miss Gay 2025 winner na PWD patay, 13 beses sinaksak ng suspek

PINAGSASAKSAK hanggang sa mamatay ang isang person with disability (PWD) na miyembro rin ng LGBTQIA+ community sa Lipa, Batangas.
Wala nang buhay nang matagpuan ang 25-anyos na biktima na nakilalang si Jericho Elliorate matapos magtamo ng 13 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon pa sa report, sinasabing nanalo pang Miss Gay 2025 sa kanilang barangay sa Tanauan noong Hunyo ang biktima.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, isang 27-anyos na lalaki ang huling kasama ng biktima bago siya natagpuang patay na tadtad ng saksak.
Nabatid na galing sa inuman ang biktima kasama ang iba pang PWD at doon umano niya nakilala ang suspek.
Sa isinagawang back tracking ng mga imbestigador, nakita sa CCTV camera ang pagbaba ng biktima at suspek mula sa isang tricycle.
Makalipas ang ilang sandali, mag-isa na lang na umalis ang suspek sa lugar. Pero binalikan pa ng salarin ang bangkay ng biktima para kunin umano ang wallet nito.
Agad namang nakilala ng mga pulis ang suspek at naaresto ito sa isinagawang manhunt operation.
Ayon sa suspek, pinagsaksaksak daw niyang ang biktima dahil sa galit matapos umano siyang hipuan nito. Pero kinontra ito ng pamilya ng biktima.
“Hindi po kami naniniwala na hinipuan niya yung lalaki.
“Opo bakla po siya pero sensitive po siya. ‘Yung lokohin nga po siya sa ibang lalaki nagagalit po siya e,” ang pahayag ng kapatid ng biktima.
The post Miss Gay 2025 winner na PWD patay, 13 beses sinaksak ng suspek appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments