Esnyr naloka sa diagnosis online: May multiple personality disorder daw ako!

NI-REVEAL ng dating “PBB Celebrity Collab Edition” housemate na si Esnyr na may nag-diagnose sa kanya online na meron siyang multiple personality disorder.
Nagkuwento tungkol dito ang Kapamilya star at content creator nang mapag-usapan ang napakaraming karakter na ginagampanan niya sa kanyang mga YouTube at TikTok video.
Bago pa makilala si Esnyr sa mundo ng showbiz, sikat na sikat na siya sa social media dahil sa mga nakakatawa at nakakaaliw na mga video niya tungkol sa mga nangyayari sa loob ng school.
Dito rin niya nakasama ang kapwa housemate at Big Winner na si Brent Manalo.
Sa panayam ng broadcast journalist na si Karen Davila para sa YouTube channel niya sa “PBB Celebrity Collab Edition” 3rd Big Placer, naitanong kung ilang karakter na ba ang ginagawa ni Esnyr sa mga content nito.
“Sixteen po siya, actually. Actually puwede na akong magtayo ng isang buong barangay na puro characters ko po lahat,” ang sagot ni Esnyr.
Sundot na tanong sa kanya ni Karen, “Hindi ka ba slightly psychotic?”
“May nag-diagnose na po sa akin dati online na may multiple personality disorder daw ako. Wala po akong gano’ng background,” natatawang tugon ni Esnyr.
Ang multiple personality disorder o dissociative identity disorder (DID) ay isang mental health condition ng isang indibidwal na may dalawa o higit pang personalidad na hiwalay sa isa’t isa.
Paglilinaw ni Esnyr, “I am healthy po. Just to clear things up. Healthy naman po ako as a person. Pero ayun po, I just want love portraying lang po talaga.”
Ilan sa mga pak na pak na karakter ni Esnyr sa kanyang school series content ay sina “Precious,” “Ma’am Castro,” “Charlotte,” “Balong,” at “Andrei.
The post Esnyr naloka sa diagnosis online: May multiple personality disorder daw ako! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments