Mapa ng Pinas minekus-mekus ng travel agency; Cebu, Siargao naligaw

NAKAKALOKA ang inilabas na mapa ng Pilipinas ng isang travel company sa India para sa mga tagaroon na nais magtungo at magbakasyon sa bansa.
Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang Facebook post ng EaseMyTrip.com kung saan parang “minekus-mekus” lang ang mga lugar sa Pilipinas na nakalagay sa ginawa nilang mapa.
Makikita rito ang isla ng Siargao na nasa Mindanao na napunta sa Luzon habang ang Banaue naman na matatagpuan sa rehiyon ng Cordillera sa hilagang Luzon ay nalipat sa Palawan.
Ang Cebu naman na nasa rehiyon ng Visayas ay napunta sa Zamboanga. Kaya naman hindi alam ng mga Pinoy netizens kung maiinsulto, magagalit o matatawa na lang sa nasabing mapa.
Narito ang ilang reaksiyon ng mga netizen sa nasabing post.
“Yong mayon samin nailipat na pala, hahaha.”
“Literal na Minekus mekus yung mga lugar para sa mga Indian.”
“Enjoy Coron, Lapu-Lapu! Travel safe.”
“Sa indian salita ang gumawa PAGAL.”
“Lahat na papasyal maliligaw.”
“Akala ko Mayon lang ang nailipat, ang dami na pala.”
“Change your name from ‘easemytrip’ to ‘confusemytrip'”
“Confuse the tourists Confuse the locals”
“Rage bait ba to? “
“Sabotahe aron masuko sa goberno, klaro nana daan.”
“This is why you still need to hire real people and not rely on AI”
“Mula Coron hanggang Cebu Saan ka man ay halina kayu.”
“Sometimes making a mistake gets more attention than doing something perfectly.”
“Y’all ever heard of a map? Or I don’t know, google?”
“Even though you have put a disclaimer, still, that is misrepresentation. It is erroneous, and misleading. Do not do that especially when you deal with tourism. Geography is important. Department of Tourism – Philippines”
“You ll get lost that for sure! Hahaha. Chatgpt create a map of Philippines.”
Naglabas naman ng disclaimer ang naturang travel agency at sinabing “for representational purposes” lang ang inilabas nilang mapa.
At nang bisitahin naming muli ang kanilang Facebook page ay mukhang itinama na ang kanilang pagkakamali.
The post Mapa ng Pinas minekus-mekus ng travel agency; Cebu, Siargao naligaw appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments