Responsive Ad

Mentorque, GMA Pictures nais isali ang collab na ‘Huwag Kang Titingin’ sa MMFF?

Mentorque, GMA Pictures nag-collab sa 'Huwag Kang Titingin', nais isali sa MMFF?

“THE first fastest pitch,” ito raw ang nasabi ni Ms. Annette Gozon-Valdes kay John Bryan Diamante, Presidente at CEO ng Mentorque Productions.

Si Ms. Annette ang kasalukuyang GMA Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, at Presidente at CEO ng GMA Films at base sa kwento ni Bryan ay nitong nakaraang buwan lang daw sila nagkausap at kaagad siyang pumayag sa movie project na “Huwag Kang Titingin” na ididirek ni Frasco Mortiz.

Bukod kina Ms. Annette at Bryan ay kasama rin sa contract signing si Ms. Nessa Valdellon, Executive Vice President ng GMA Pictures at Senior Vice President ng GMA Public Affairs.

Parehong excited sina Ms. Annette, Ms. Nessa at Bryan sa unang collab nila kaya magso-shoot na kaagad sila ngayong Setyembre at planong sa Batangas ang entire location ng pelikula.

Baka Bet Mo: Bryan Dy Producer of the Year sa 73rd FAMAS: ‘Cinema belong to the people!’

Pero bago raw natuloy ang Mentorque Productions at GMA Pictures collab ay matagal nang nagkikita sa showbiz events sina Bryan at Ms. Annette tulad noong nasa Hollywood USA noong 2023 nang dumalo sila sa First Manila Film Festival at lagi silang nagsasabihan kung kailan sila gagawa ng pelilkula.

Excited si Bryan dahil bilang bago sa pagpo-produce ay very welcoming sa kanya ang lahat ng movie producers at hindi lang GMA Pictures ang nag-aalok sa kanya .

“This partnership with GMA Pictures is not only about producing a film t’s about showing what’s possible when two creative forces come together. As a young production company, we are deeply grateful to GMA Pictures for opening its doors to newcomers like us. It proves that when established industry leaders welcome new players, it strengthens the whole ecosystem of Philippine cinema.

“Everytime na nagkikita kami ni Ms. Annette, we talk about collaborations, Mallari days pa. Actually ako nga naiisip ko ‘yung Mallari na (gawing) series na in our own perspective, may nauna kasing gagawa (noon) iniba namin ‘yung story ng Mallari, so ‘yun ang gusto naming mangyari.

“Sila (GMA) naman they’re producing Encantadia (series), so, ganu’n sila, kami naman pangarap-pangarap lang (series). I opened it up (to Ms. Annette), pero hindi pa naman namnin sine-seryoso but definitely, ‘yung story namin (masusunod).

“There are a lot of ways on how to do it, di ba? We can pitch to Netflix, or to (other platforms) like pwedeng six part lang, mga ganu’n,” kuwento ng Mentorique producer.

Mentorque, GMA Pictures nag-collab sa 'Huwag Kang Titingin', nais isali sa MMFF?

Inamin ni Bryan na sobrang napagod ang Mentorque Team dahil back-to-back ang “Mallari” at “Uninvited.”

“Hihinga muna kami ng malalim kasi after two years sunud-sunod (ang work niya), saan ba papunta?”

Bukod kasi sa pagiging producer ay si Bryan ang nasa likod ng “Project Talino” at “Puso ng Batangas,” at may mahalaga siyang papel kina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at kay Congressman Ryan Christian Santos Recto.

Ito rin ang dahilan kung bakit walang Metro Manila Film Festival entry ang Mentorque pero ayon kay Ms. Annette ay gusto niyang mapasama ang “Huwag Kang Titingin” ngayong December festival.

Napangiti si Bryan at nasambit nitong nakakapagod, pero ang sagot ng GMA boss, “Dalawa naman tayong matutulong.”

“Sabi ko naman huwag nating madaliin (tapusin ang pelikula), let’s do this one time kasi at the end of the day, it’s a product and what’s masaya is they’re open to our suggestions , ‘yun yung maganda madali langcang usapan, hindi mahirap. On producr’s part is siyempre ‘yung reach ng GMA, their legacy,” pagbabahagi ni Bryan ng pinag-usapan nila ni Ms. Annette.

Samantala, malaking sugal ang cast ng” Huwag Kang Titingin” dahil pawang baguhan tulad nina Shuvee Etrata, Allen Ansay, Michael Sager, Sean Lucas, Josh Ford, Anthony Constantino, Charlie Fleming, Hindi naman bago sa pelikula sina Sofia Pablo, Marco Masa, at Kira Balinger at kasama rin si Ms. Sherilyn Reyes.

“They’re marketable, as of the moment they’re the hottest also, so, that’s one part why sila (napili),” katwiran ni Bryan.

Dagdag pa, “technically ito, buo na (cast) nu’ng inilapit nila ito and they’re open naman to our suggestions like focus sa creatives.”

Isa rin sa dahilan kung bakit um-OO kaagad si Bryan sa GMA for collaborations, “Sa akin kasi they’re there already and I wanted to learn also in my end, so, any collaboration would be plus points sa akin tulad with Project 8 Projects, Cleverminds..we work with others.”

Nabanggit din ng GMA bosses na kahit matagal na ang GMA Pictures na rating GMA Films ay feeling nila kababalik lang din nila nu’ng ginawa nila ang “Firefly” na nakatapat ng “Mallari,” sinundan ng “Green Bones” at katapat ng “Uninvited.”

Kaya sana gusto ni Ms. Annette na ngayong 2025 ay itong “Huwag Kang Titingin” ang entry ng first collaboration ng Mentorque at GMA Pictures.

Wait and see na lang.

The post Mentorque, GMA Pictures nais isali ang collab na ‘Huwag Kang Titingin’ sa MMFF? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments