Cristine Reyes inaming may dine-date na non-showbiz: ‘Mas Private!’
KUMPIRMADO mula mismo kay Cristine Reyes na nakahanap na siya ng bagong mamahalin matapos ang hiwalayan nila ng aktor na si Marco Gumabao.
Ayon sa panayam ng ABS-CBN kamakailan lang, inamin ng aktres na masaya siya ngayon sa piling ng isang non-showbiz personality.
“Nakakatanggal din ng blemish ‘yan and wrinkles. Yes, [I am happy now],” sey ni Cristine, sabay banggit na mas pinili niyang gawing “mas private” ang kasalukuyang relasyon.
Nilinaw din ng aktres na maayos ang naging paghihiwalay nila ni Marco at walang naging alitan sa pagitan nila.
Baka Bet Mo: Gio Tingson proud na ibinandera relasyon kay Cristine Reyes: IG official na
“Sa amin na lang ‘yun, respect na namin sa isa’t-isa. But we are super OK,” giit ni Cristine.
Kung matatandaan noong Hunyo, naging usap-usapan ang celebrity mom na nakatagpo na raw ng bagong inspirasyon sa katauhan ng dating chairperson ng National Youth Commission (NYC) na si Gio Tingson.
Spotted together ang dalawa sa ilang pagkakataon na magka-date at base raw sa nasaksihan ng mga nakakakita sa kanila, mukhang nagkakamabutihan na nga raw sila.
Ayon pa nga sa rebelasyon ng talent manager at host na si Ogie Diaz, feeling niya ay naka-move-on na si Cristine sa breakup nila ni Marco kaya nagsimula na rin siyang makipag-date.
Kasalukuyan din daw nagwo-work si Gio bilang head of public affairs ng Grab Philippines.
The post Cristine Reyes inaming may dine-date na non-showbiz: ‘Mas Private!’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments