Responsive Ad

Kilalang aktor binebenta na ang bahay dahil sa health issues umano

Kilalang aktor binebenta na ang bahay dahil sa health issues umano

TRULILI kaya na binebenta ng kilalang aktor ang kanyang bahay na nasa South dahil may paggagamitan siya?

Nagulat kasi kami nang ikuwento sa amin ang balitang ito dahil aabot ba talaga ang kilalang aktor sa pagbebenta ng bahay niya? Ibig sabihin ay matindi ang pangangailangan niya?

Baka naman nagsawa na ang kilalang aktor sa disenyo ng bahay niya lalo’t matagal-tagal na rin naman niya itong tinirhan, nabanggit niya kasi noon sa mga interviews niya na kapag sawa na siya ay binebenta niya ito at ang napagbentahan ay i-invest niya sa buy and sell.

Tinanong namin ang kaibigan ng kilalang aktor kung saan siya titira kapag nabenta na niya ang bahay niya.

Baka Bet Mo: Kilalang aktor at aktres super sweet sa isa’t isa, magdyowa na nga ba?

“May ibang bahay naman si (kilalang aktor), kung baga itong binebenta niya ang paborito niya at may mga nagkakagusto rin naman kaya naisip niya na benta niya, alam ko may kausap na,” tsika ng kaibigan niya.

Tapos ang napagbentahan ay saan niya gagamitin, “May malaki siyang pagkakagastusan, hayaan na lang natin siya ang magkuwento, for sure ikukuwento rin niya ‘yan.”

Hindi diretsong binanggit ng kaibigan ng kilalang aktor kung saan gagamitin ang pagbebentahan ng bahay pero nadulas siyang may kinalaman sa health issues.

Sa kasalukuyan ay walang project ang kilalang aktor dahil wala pa raw siyang nagugustuhan sa mga pini-pitch sa kanya.

“Naghahanap ng story na hindi pa niya nagagawa, lahat kasi ng pitch sa kanya nagawa na niya,” sabi ng kaibigan ng aktor.

Samantala, kinumusta namin ang lovelife ng kilalang aktor dahil balita namin ay hindi sila okay ngayon, “’Yun na nga, may isyu kaya depress ayaw siya kausapin ni (dyowa) kahit anong pangungulit niyang mag-usap sila. Pero feeling ko magiging okay din sila.”

Oo nga, sana maging okay na ang kilalang aktor at ang dyowa niya na tiyak na maraming manghihinayang kapag nalamang hindi sila okay ngayon.

The post Kilalang aktor binebenta na ang bahay dahil sa health issues umano appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments