Mariel Padilla napa-throwback, 15 years nang kasal kay Robin

MULING binalikan ng TV host-actress na si Mariel Padilla kung paano nagsimula ang love story nila ng asawang si Sen. Robin Padilla.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang throwback photos nila noong nagsisimula pa lang ang kanilang pagtitinginan.
“They called it a whirlwind romance, but we knew it was destiny,” saad ni Mariel.
Maging sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi niya ang mga larawan nila noon kalakip ang kantang “You’re Still The One” ni Shania Twain.
Baka Bet Mo: Mariel Padilla may pagkasutil raw, sey ni Cristy Fermin
“Relationship status: going stronger every day,” sey ni Mariel sa caption.
Marami naman sa mga netizens ang nag-comment sa post ng TV host-actress.
“Kasi nga tumingin ka sa mga mata nya!!! Diba sabi ko sayo wag?
Hahahahhahaha pero ayan maganda naman kinalabasan ng pag tingin sa knayang mga mata [emojis] stay happy
and Allah bless your family,” saad ni Pokwang.
Comment naman ni Carmen Soo, “So happy to be able to witness the beginning of it all Happy Anniversary!”
“Happy 15th anniversary, lovebirds!!” sey naman ni Ruffa Gutierrez.
Matatandaang unang nagkakilala sina Mariel at Robin sa noontime show na “Wowowee” kung saan ang aktres ay isa sa mga regular host habang guest co-host naman noon ang senador.
Matapos ang tatlong buwan buhat nang sila’y nagkuta, ikinasal ang salawa sa India noong August 2010 at ikinasal muli sa Baguio noong September 2010.
Sa ngayon ay may 2 anak na sina Mariel at Robin na sina Isabella at Gabriella.
The post Mariel Padilla napa-throwback, 15 years nang kasal kay Robin appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments