Ice Seguerra dumepensa sa SOGIE Bill, hindi lang para sa proteksyon ng LGBTQ

NAGBIGAY ng kanyang saloobin ang aktor at OPM icon na si Ice Seguerra tungkol sa kontrobersyal na Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill.
May mga miyembro ng LGBTQIA+ community na kumokontra sa pagsasabatas ng SOGIE Equality Bill at meron namang patuloy na nakikipaglaban para rito.
Paliwanag ni Ice, contrary sa paniniwala ng marami, patungkol sa SOGIE Bill, ito ay para sa kapakinabangan at proteksyon ng lahat ng Pilipino.
Isa ito sa napag-usapan sa latest episode ng “Toni Talks” kung saan natanong ng TV host-actress na si Toni Gonzaga si Ice kung ano ang masasabi niya na may mga miyembro ng LGBTQIA+ na hindi pabor sa naturang panukalang batas.
“Akala nila, when you say SOGIE Bill, it’s just for the LGBTQIA+ community. But when you understand what SOGIE is kasi, that goes for all of us,” paliwanag ni Ice.
Aniya pa, “Ang sinasabi lang dito kasi ay hindi ka puwedeng ma-discriminate based on your SOGIE.
“I think, SOGIE kasi eliminates those na madya-judge ang isang tao, hindi mabibigyan ng equal treatment ang isang tao based on what they look like and who they are,” lahad pa ng premyadong singer-songwriter.
Kung matatandaan, noong selebrasyon ng Pride Month last June ay na-bash ang LGBTQ icons na sina Mother Ricky Reyes at Mama Renee Salud dahil sa naging pahayag nila patungkol sa SOGIE bill.
Hindi pabor ang dalawa sa same-sex marriage at pagsasabatas ng SOGIE bill na binatikos nang bonggang-bongga ng mga netizens.
Sey ni Mother Ricky, “’Yung sinabi ko, miski anong gawin n’yo sa mga bakla, bakla pa rin ‘yan. Gilingin mo man ‘yan, ang labas niyan baklang hamburger. Walang pagbabago.”
Hirit naman ni Mama Renee, “Ako naman sige bigyan ng karapatan, bigyan sila ng puwang sa lipunan kaso lang the problem with some gays they asked for too much. Masyadong entitled.”
The post Ice Seguerra dumepensa sa SOGIE Bill, hindi lang para sa proteksyon ng LGBTQ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments