Marco Gallo ibinandera ang fitness transformation: It’s about showing up

PROUD na ibinandera ng Viva actor na si Marco Gallo ang kanyang pinagdaanang fitness transformation.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ang mga before-and-after photos niya niya mula noong bulky pa ang katawan hanggang sa na-achieve na niya ang kanyang muscular physique.
Ipinakita rin ni Marco ang mga larawan mula sa kanyang mga workout pati na rin ang kanyang larawan noong bata habang nakasuot ng SpiderMan costume.
“The weights taught me more than I expected. How to be patient, how to stay consistent, how to find joy in the process, and how to surround myself with people chasing the same light,” saad ng aktor sa kanyang caption.
Baka Bet Mo: Heaven Peralejo, Marco Gallo buwag na nga ba bilang love team?
“I used to wear a Spider-Man suit as a kid and today, I think I finally get it. Strength isn’t about the goal, it’s about showing up. That’s the real superpower,” dagdag pa ni Marco.
Marami naman ang bumilib sa dedikasyon at disiplina ng aktor para ma-achieve ang lean and muscular physique.
Matatandaang nitong nagdaang buwan lang nang kumpirmahin ni Heaven Peralejo na hiwalay na sila ni Marco.
Ang anunsyo ni Heaven ay naganap sa nagong press conference para sa kanyang book adaptation series na “I Love You Since 1892”.
Sa kabila ng kanilang hiwalayan ay nananatiling mabuting magkaibigan sina Heaven at Marco.
The post Marco Gallo ibinandera ang fitness transformation: It’s about showing up appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments