Responsive Ad

Kim delos Santos inaming ma-pride, matigas ang ulo; game uli sa showbiz

Kim delos Santos inaming ma-pride, matigas ang ulo; game uli sa showbiz
Kim delos Santos at Snooky Serna

NA-MISS ng dating Kapuso actress na si Kim delos Santos ang mundo ng showbiz kaya gusto niya uli itong bigyan ng second chance.

Nasa Pilipinas ngayon si Kim para magbakasyon at dalawin ang kanyang mga kapamilya at kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita at nakakasama.

Kamakailan ay nagtungo rin siya sa memorial service ng namayapang aktor na si Red Sternberg na in-organize ng mga kasamahan niya noon sa youth-oriented show ng GMA 7 na “T.G.I.S.”.

Sa panayam kay Kim ng veteran actress na si Snooky Serna para sa YouTube channel nito ay napag-usapan nga ang naging buhay niya sa Amerika matapos Iwan ang showbiz career sa Pilipinas.

Inamin ng aktres na ang ex-husband niyang aktor na si Dino Guevarra ang dahilan ng pag-alis niya sa Pilipinas ilang taon na ngayon ang nakararaan.

“Ex ko talaga. I needed to get away from the situation in order for me to grow,” sey ni Kim.

Wala rin daw naramdamang pagsisisi si Kim nang ipagpalit niya ang showbiz career sa magiging buhay niya sa US kahit wala itong katiyakan. 

“No. Kasi I was able to experience my family. Bumalik ako sa family ko kasi di ba, matigas ang ulo ko. Amindo naman po ako. I learned through experience,” aniya.

Talaga raw nagsimula uli siya sa wala nang lumipad siya pa-Amerika lalo’t wala pa siyang college degree that time.

“Mahirap. If you don’t have education, you have nothing to fall back on. Anong magiging trabaho mo? If you don’t have a degree, what job will they give you? 

“Coming from someone who didn’t have a degree, I was a high school graduate and then I was like looking at myself, I was mopping floors, second job I was stuffing insurance cards in an envelope, tapos nag-receptionist ako,” lahad pa ng aktres na sumikat nang husto sa Kapuso drama series na “Anna Karenina kasama sina Sunshine Dizon at Antoinette Taus.

Hanggang sa magdesisyon na nga siyang tuparin ang childhood dream niya na maging isang nurse.

“One day, I said to myself, I was like 28 na nu’n, this is my favorite question – ‘What do you want? Where are you at? What are your goals?’ 

“Self-reflection, na-practice ko siya and I realized, kailangan ko na yata mag-aral. Kinausap ko na yung papa ko nu’n,” pagbabahagi ni Kim.

“First time ko lumapit sa daddy ko kasi ma-pride nga ang lola, matigas ulo. Nu’ng time na ‘yun nag-swallow na ng pride ang lola mo, sabi ko, ‘Daddy gusto ko pong mag-aral.’

“‘Daddy, 10 dollars lang ang kinikita ko ang tanda ko na, ayaw ko ng ganito. Pwede ba ako mag-aral? Tulungan mo ako,'” pag-amin ni Kim.

Patuloy pa niya, “Maliit pa lang ako when I was five, when we were still in America, hindi pa kami nagpi-Philippines, gusto ko na maging nurse kasi ang daddy lagi nagba-banggit because he used to work in a hospital, engineer siya ng hospital so laging  nurse ang binabanggit niya.

“Tuwang-tuwa ang tatay ko.. My dad would worked overtime hangga’t maka-graduate ako and sinigurado kong ga-graduate ako [na] may honors,” sabi pa niya.

Masaya na si Kim sa pagiging nurse sa US pero bukas pa rin ang kanyang puso’t isipan sa pagbabalik-showbiz.

“I miss showbiz. Yes, it took me a while to get here. I was thinking to myself before I really take on the full responsibility of being a psychiatric mental health nurse practitioner, maganda na ang fall back ko, I just want to give it one more try and see how it goes,” pahayag pa Kim delos Santos.

The post Kim delos Santos inaming ma-pride, matigas ang ulo; game uli sa showbiz appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments