Maki nagsumbong kay Boy Abunda: Bad trip ‘yung ex ko, bigla na lang umalis!

MATINDI rin ang naging epekto sa OPM singer at songwriter na si Maki nang ma-heartbroken sa kanyang kauna-unahang girlfriend.
Bigla na lang daw kasi siyang iniwan ng girl nang walang paalam at paliwanag kaya sobrang sakit ng naramdaman niya sa pagkawasak ng kanyang puso.
Ayon kay Maki, ang pagkabigo sa pag-ibig sa unang pagkakataon ang pinaghugutan niya para makapagsulat ng mga hugot at mapanakit na kanta.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, ibinahagi ni Maki ang tungkol sa naunsiyami niyang lovelife.
“Badtrip kasi ‘yung ex ko rin, Tito Boy. ‘Yung ex ko po, Tito Boy, magsusumbong po ako sa inyo, kasi po ‘yung ex ko, bigla na lang umalis,” pagsusumbong ni Maki.
Ang extended play o ang EP niyang “Tanong” na inilabas noong 2023 ang mga nais daw niyang itanong sa kaniyang ex.
Sey ng binatang singer, wala sana siyang planong ilabas ang naturang mga kanta, “Pero I felt like people needed that from me, na kailangan kong maging real in order for them to realize na ‘Yes, I’m also a person, I’m a singer, and I get to write songs about not only sa buhay ko po, pero sa mga tao na nakaka-relate po sa akin.'”
First love ni Maki ang tinutukoy niyang girl at hanggang ngayon ay hindi pa raw siya nagkakadyowa uli.
Para kay Maki, tapos na ang yugtong iyon ng kanyang buhay, “Enough closure na po ‘yung parang realizing for myself na I’m worth it kahit ano, sinong tao man ‘yung makilala ko.
“Para sa ‘kin, ‘yun po ‘yung closure ko sa sarili ko and ‘yun na rin po ‘yung sagot sa mga tanong na tinanong ko po sa mga songs ko,” saad ng singer.
Samantala, nabanggit din ng OPM hitmaker na isinulat niya ang kanyang hit song na “Dilaw” para sa kanyang sarili. May binabasa raw kasi siyang libro that time tungkol sa katapangan ng isang tao.
Tanong ng King of Talk, kung ano ang sinasabi ni Maki sa sarili gamit ang kanyang mga kanta, “Para sa akin, ang best form of love po is hindi siya kagaya ng red, kasi po laging associated ‘yung love, para sa akin sa pula, na laging sobrang passionate, sobrang romantic.”
Ano naman ang message ng lyrics sa kanyang kanta na “Ikaw ang katiyakan ko,” at sino ang pinatutungkulan niya rito? Sagot ni Maki, tungkol daw ito sa sarili niya.
Aniya, “Sa pagpu-pursue ng dream na ‘to or tao man, the courage of acknowledging that you are not the best, you are not perfect, the courage to sit down with your demons, with your flaws.
“Ako po, para sa akin, ‘yun ‘yung talagang nag-i-start po doon ‘yung totoong pagmamahal. Hindi lang sa atin, hindi lang sa sarili mo, kundi sa mga taong nakapaligid sa ‘yo.”
“Kapag minahal mo na ‘yun, kapag nagkaroon ka na ng courage to love these things, ‘yun po ‘yung totoong pagmamahal,” ani Maki.
The post Maki nagsumbong kay Boy Abunda: Bad trip ‘yung ex ko, bigla na lang umalis! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments