Responsive Ad

Brent Manalo matagal nang crush si Anne Curtis, acting idol si Jericho Rosales

Brent Manalo matagal nang crush si Anne Curtis, acting idol si Jericho Rosales
Anne Curtis, Brent Manalo, Jericho Rosales

TILA hindi na napigilan ng PBB Big Winner na si Brent Manalo ang kilig nang tanungin siya kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa showbiz.

Sa panayam ng entertainment reporter na si MJ Felipe sa “Gen-G Guru,” ang unang sinagot ni Brent ay ‘yung mga kapwa-housemates niya sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

Pero nang inusisa pa ang binata kung sino pa bukod sa mga ka-housemates niya, ang mabilis niyang sagot: “Si Ate Anne [Curtis] talaga.”

Paliwanag niya, “Bata pa lang ako, siya na ‘yung crush ko talaga na napapanood ko sa TV, then nu’ng nag-Showtime ako tapos every time na nakikita ko siya, nasa-starstruck pa rin ako, even though ilang beses ko na siya na-meet.”

Baka Bet Mo: Brent Manalo bago maging Big Winner sa PBB: ‘Akala ko hindi para sa akin ang showbiz’

“So hopefully, we’ll have a chance to work together,” giit niya.

Bukod sa kanyang showbiz crush, ibinunyag din ni Brent ang idol niya pagdating sa pag-arte.

“Si Sir Jericho Rosales. Siya ‘yung talagang tinitingala ko sa acting,” wika niya.

Magugunita noong July 5 nang tanghalin si Brent at ang ka-duo niyang si Mika Salamanca bilang Big Winners ng nasabing PBB edition matapos ang mahigit tatlong buwang pananatili sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sa isang naunang interview, inamin ng binata na “last straw” na niya ang pagsali sa PBB pagdating sa showbiz career.

“Buo naman ang desisyon ko kasi with PBB…nu’ng time na ‘yun parang wala na ring mawawala sa akin kasi [ito] na ‘yung last straw ko when it comes to showbiz kasi okay naman na ako sa ibang career ko like modeling at content (creator) at doon kumikita na ako ng maayos at may pangalan na rin kumbaga, pero with showbiz never happening,” chika niya.

Patuloy pa ni Brent, “Kaya ‘yung PBB na ‘yung parang sign ko na kapag never nag-work ito, parang hindi talaga para sa akin ang showbiz.”

At kung hindi raw siya nanalo, ang plan B niya ay mag-focus sa modelling at pagiging content creator.

Pero dahil Big Winner nga siya, nagbukas ang pintuan para mas pumasok sa mundo ng pag-arte.

“Oo nga po, ngayon po mas bibigyan ko ng oras ang acting since baka magkaroon nang offers in the future at gusto ko uling mag-workshop para may ibang mapanood naman ang audience na susubaybayan, gusto kong ibigay talaga ‘yung 200% ko,” napangiting sabi ng bagong showbiz heartthrob.

The post Brent Manalo matagal nang crush si Anne Curtis, acting idol si Jericho Rosales appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments