ALAMIN: 5 tips sa paglalaba para mabilis matuyo, iwas amoy-kulob sa tag-ulan
KAPAG panahon ng tag-ulan, kalaban din ng marami ang mga basang damit na ayaw matuyo, amoy-kulob, at ilang mantsa mula sa talsik ng putik.
Pero huwag mag-alala, dahil may limang wais tips para hindi ka tuluyang lamunin ng labada ngayong rainy season!
Tip #1: Bilisan ang paglalaba
Kung matagal matuyo ang damit, mas madaling kumapit ang amoy at bacteria.
Kaya magandang pumili ng washing machine na may mabilisang cycle at halimbawa na riyan ang TurboWash feature ng LG na kayang matapos ang buong load sa wala pang isang oras.
Baka Bet Mo: ‘Fragments’ ni Cacnio tampok sa National Museum; LG nag-donate ng P500K tech
Mas maikli ang pila ng labada, mas mahaba ang oras mo para sa ibang gawain sa bahay habang umuulan.
Tip #2: Hayaan ang teknolohiya ang mag-adjust
Kung dati, kabisado ng mga nanay ang tamang timpla ng laba para sa manipis na blouse o makapal na pantalon, ngayon, may mga makina nang marunong magbasa ng bigat at uri ng tela.
Ang AI DD ng LG washers ay isang halimbawa ng ganitong teknolohiya, kung saan kaya nitong awtomatikong pumili ng tamang galaw para hindi basta mapuruhan ang tela.
Ang resulta: mas protektado ang damit at mas tatagal ang ganda nito.
Tip #3: Labanan ang amoy at bacteria
Ang isa sa mga kinaiinisan sa paglalaba ay ang amoy-kulob, pati bacteria at allergens na mas mabilis kumapit sa basang tela.
May mga washing machine na gumagamit ng Steam technology, na tumutulong magtanggal ng halos lahat ng allergens gaya ng alikabok at dust mites.
Hindi lang amoy-presko, mas ligtas din para sa mga may hika o allergy.
Tip #4: Tahimik kahit maingay ang ulan
Kung work-from-home ka at kasabay ng online meeting ang spin cycle, malaking abala ang ingay ng makina.
Kaya magandang pumili ng washing machine na hindi umaalingawngaw sa buong bahay.
Bonus na rin kung may smart features na gaya ng LG ThinQ app, na kaya mong kontrolin gamit lang ang cellphone mo.
Tip #5: Pumili ng matibay at maaasahan
Hindi biro ang dami ng labada, lalo na kapag walang araw kaya piliin ang makina na kayang sumabay sa bigat ng trabaho.
Hindi dapat hadlang ang maulan na panahon para manatiling malinis at mabango ang iyong mga damit.
Ang sikreto? Wais na diskarte at tamang gamit.
At kung halimbawa’y naghahanap ka ng machine na may mabilisang hugas, smart care, at proteksyon laban sa bacteria, may ilang washing machine mula sa LG na swak sa pang-araw-araw na laban ngayong tag-ulan.
The post ALAMIN: 5 tips sa paglalaba para mabilis matuyo, iwas amoy-kulob sa tag-ulan appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments