Kiefer Ravena, Diana Mackey muling nagpakasal sa Palawan: Why not!?

SA ikalawang pagkakataon, muling nagpakasal ang basketball star na si Kiefer Ravena at dating “PBB Otso” housemate na si Diana Mackey.
Bumandera ang mga litrato ng celebrity couple sa social media na kuha sa kanilang second wedding na dinaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan.
Nangyari ang beach wedding nina Kiefer at Diana nitong nagdaang Sabado, August 9, sa Angkla Beach Club & Boutique Resort sa El Nido, Palawan.
Makikita ang ilang wedding photos ng dalawa sa Instagram page ng Nice Print Photo. Nakasuot si Diana ng beaded white gown, habang si Kiefer ay naka-off-white suit and pants with matching bow tie.
Mababasa sa caption ng mga litrato ng mag-asawa sa kasalan, “@kieferravena15 and @dianacmackey got married for the second time- because, why not?
“This time in beautiful paradise of El Nido. Congratulations you two! Wishing you a lifetime of love and happiness. #KiefyNiDiana.”
Nag-post din sina Kiefer at Diana sa kanilang Instagram Stories ng mga litrato ng kanilang mga bisita.
Unang ikinasal ang mag-asawa noong June 11, 2025, sa St. Michael the Archangel Parish, Bonifacio Global City, Taguig.
Naganap ang kanilang first wedding walong buwan matapos ang kanilang engagement last October 31, 2024. Noong March 18, 2025 naman ay ibinalita nina Kiefer at Diana na magiging mommy at daddy na sila.
Pero noong July 30, malungkot na ibinalita ng mag-asawa sa “Fast Talk With Boy Abunda” na nalaglag ang kanilang first baby.
“Shortly after announcing it, a week after announcing it or two weeks, we lost the baby, unfortunately, at seven weeks,” ani Diana.
Sabi naman ni Kiefer, “Seven or eight weeks but, you know, God’s plan, God’s timing. Best thing siguro that happened is now she’s healthy.
“Hopefully, with God’s grace, we could try again and see where it takes us. Sabi ko nga, life goes on,” aniya pa.
The post Kiefer Ravena, Diana Mackey muling nagpakasal sa Palawan: Why not!? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments