Responsive Ad

Ex-PBB Dingdong Bahan nabiktima ng baha sa Q.C., bagong kotse lumubog 

Ex-PBB Dingdong Bahan nabiktima ng baha sa Q.C., bagong kotse lumubog 
Dingdong Bahan

BAD trip na bad trip si former “Pinoy Big Brother Gen 11” housemate Dingdong Bahan matapos lumubog sa tubig-baha ang bagong bili niyang sasakyan.

Isa si Dingdong sa mga kababayan nating nabiktima ng biglaang pagtaas ng tubig-baha sa Quezon City matapos ang matinding pag-ulan nitong nagdaang Sabado, August 30.

Ayon sa Kapamilya artist, kabibili lamang nila ng sasakyan two months ago pero nalubog na agad ito nang pasukin na ng baha ang basement ng building sa Mother Ignacia, Quezon City.

Ipinost ni Dingdong ang mga litrato ng nalubog niyang kotse sa Facebook matapos humupa ang baha na inabot daw ng halos anim na oras.

“Nakaka stress yung 1hr ung baha sa Mother Ignacia humupa na pero ung bldg 6hrs bago na pull out motors and cars,” ang pahayag ng dating PBB housemate sa panayam ng ABS-CBN.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fdingdongbahan%2Fposts%2F1375735087887819&show_text=true&width=500" width="500" height="701" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Pagpapatuloy pa niya, “Saturday po kasi so walang office po. The guards ng bldg walang nagawa but to provide cutesy pump na parang pang pool no other options kaya it took 6hrs para lang makaalis sa parking po.”

Kasunod nito ay ang pagbanggit niya sa isyu ng pagkakasangkot ng mga corrupt politician at government contractors sa mga ghost flood control projects sa bansa at sa pagbandera ng kani-kanilang kapamilya sa “crazy rich lifestyles” sa social media.

“Kaya nakakabadtrip talaga dito — konting ulan lang, ang bilis nang bahain ng Metro Manila. 

“Nakakadismaya pa ‘yung mga flood control projects, tapos makikita mo pa ang mga pamilya ng mga contractor at pulitiko, grabe sa pagpapakita ng mamahaling gamit nila. 

“Mahiya naman kayo,” ang nakasaad sa Instagram story ni Dingdong.

The post Ex-PBB Dingdong Bahan nabiktima ng baha sa Q.C., bagong kotse lumubog  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments