Responsive Ad

Sarah Discaya inisa-isa nabiling luxury cars, aabot ng mahigit P170-M

Sarah Discaya inisa-isa nabiling luxury cars, aabot ng mahigit P170-M
Jinggoy Estrada at Sarah Discaya

AABOT sa mahigit P170 million ang halaga ng mga pag-aaring luxury car ng negosyanteng si Sarah Discaya at ng kanyang pamilya.

Inisa-isa ng dating mayoral candidate sa Pasig City (midterm elections) na nakalaban ni Vico Sotto, ang kanilang mga mamahaling sasakyan sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw, September 1.

Isa sa mga naitanong kay Discaya ni Sen. Jinggoy Estrada sa naganap na hearing ay kung gaano siya kadalas bumibili ng sasakyan.

“Ilang beses kang bumili ng kotse sa isang taon?” pag-uusisa ni Sen. Jinggoy. 

“Minsan sa isang taon isa or kaya tatlo ‘yung iba,” sagot ni Discaya. 

Pagpapatuloy ni Sen. Jinggoy, “Tungkol sa mga kotse mo ulit, sinabi mo kasi sa interview mo na apatnapu (40) ‘yung kotse mo o luxury cars. Ngayon inamin mo na 28 lang. Anong nangyari sa labindalawa (12)?” 

Tugon ni Discaya, “28 po ‘yung luxury cars pero may service cars kasi kami na under the name of the company po.” 

Kasunod nito, isa-isa ngang binanggit ni Discaya ang mga pag-aaring luxury vehicles at kung magkano niya ito nabili.

“So the Rolls Royce around parang 42

(million pesos).

“The Maybach (Mercedes) parang nasa 22 (million pesos).

“Bently, 20 (million pesos).

“G 63 (Mercedes-Benz). Parang nasa 20 million ata. 

“‘Yung Cadillac po, ‘yung SUV parang mga 11 (million pesos) yata po ‘yun. One white, one black (8 million pesos).

“‘Yung GMC dalawa, parang nasa 11 (million pesos each) din yata siya, e.

“‘Yung Suburban. Isa lang po, parang nasa three (million pesos) lang yata siya noon.

“’Yung mga binanggit ko kanina, that was only 2022 or ‘21. ‘Yung iba, let’s say the autobiography, 2016 pa po ‘yun. Like Range Rover, 2016 pa po siya,16 (million pesos), 2016 pa po siya.

“Defender. Range Rover. Isa lang po. Parang nasa seven (million pesos) yata po ‘yun.

“The Evoque. Range Rover. Maliit parang nasa five (million) lang yata po siya,” tuluy-tuloy sagot ni Discaya.

Kaya kapag kinuwenta ang halaga ng lahat ng sasakyan, aabot ito sa humigit-kumulang P176 million (na nabili nina Discaya simula umano noong 2016 hanggang 2025).

Kasama ang mga kumpanyang YPR Gen. Contractor and Construction, Elite General Contractors and Development Corp., and Amethyst Horizon Builders na nakapangalan umano kay Curlee Discaya (asawa ni Sarah) sa Top 15 contractors ng flood-control projects na inilabas ni Pangulong Bongbong Marcos.

The post Sarah Discaya inisa-isa nabiling luxury cars, aabot ng mahigit P170-M appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments