Responsive Ad

Sarah G bumanat na rin sa korapsyon, humugot sa tinipid na kalsada

Sarah G bumanat na rin sa korapsyon, humugot sa tinipid na kalsada
Sarah Geronimo, Hayden Kho ất Vicki Belo

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, naringgan ng madlang pipol ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na bumanat sa isang national issue.

Hindi basta-basta nagsasalita o nagbibigay ng opinyon ang award-winning singer-actress tungkol sa mga kontrobersya na nangyayari sa Pilipinas.

But this time, hot topic nga sa social media ang naging banat ng misis ni Matteo Guidicelli patungkol sa mga “kalsadang tinipid” kaya hindi maayos ang pagkakagawa.

Nangyari ito sa isang event para sa kanyang endorsement kasama ang mag-asawang Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Base sa napanood naming video na ipinost ni Dra. Belo sa social media, makikitang nagpapaliwanag si Hayden kung ano ang epekto ng chemical na “ceramide” sa skin ng mukha ng isang tao.

Aniya, sini-seal ng ceramide ang mga butas sa face para hindi raw lumalabas ang tubig mula rito.

Hindi pa taoos mag-explain si Hayden nang biglang humirit si Sarah, “Pero yung kalsada doon Doc hindi naa-absorb yung tubig.” Na sinundan ng tawanan mula sa audience kaya super laugh din sina Hayden at Vicki.

Ang sey pa ni Sarah, “Kasi tinipid.” Wala namang binanggit ang actress-singer kung anong kalsada ang kanyang tinutukoy.

In fairness, halos lahat ng comments na nabasa namin ay nagulat sa pa-shade ni Sarah na mukhang may konek sa mainit na isyung pinag-uusapan ngayon hinggil sa mga maanomalyang flood control projects.

Maraming nagsabing natutuwa sila dahil mukhang matapang na ngayon si Sarah sa paglalabas ng kanyang saloobin sa mga napapanahong isyu sa bansa, lalo na ang tungkol sa politika.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2F811958534498909&show_text=true&width=500" width="500" height="481" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Nauna rito, naghayag din ng saloobin hinggil sa korapsyon sa bansa ang mister niyang si Matteo.

Nag-post ang asawa ni Sarah sa kanyang X account hinggil sa isyu ng pagnanakaw ng mga politiko sa kaban ng bayan na isa sa patuloy na nagpapahirap sa mga Pilipino.

Hirit ni Matteo, “Post, repost, like, share. Expose it all. Good morning!” Na sinundan pa ng mensahe niyang, “Real change begins with transparency, accountability, and integrity.”

The post Sarah G bumanat na rin sa korapsyon, humugot sa tinipid na kalsada appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments