Anne Curtis, Jericho Rosales balik-tambalan sa pelikulang ‘The Loved One’

AFTER 14 years ng paghihintay, muling magsasama sa isang proyekto sina Anne Curtis at Jericho Rosales!
Ang kanilang pinakabagong pelikula ay ang “The Loved One,” na ididirek ni Irene Villamor.
Para sa mga hindi aware, si Direk Irene ang naghatid sa atin ng kilig at hugot movies gaya ng “Meet Me in St. Gallen,” “On Vodka, Beers and Regrets,” “Five Breakups and a Romance” at “Sid and Aya: Not a Love Story.”
Siya rin ang nasa likod ng May-December romance na “Only We Know” na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Charo Santos.
Baka Bet Mo: Anne Curtis nanggigil sa pumuna sa kanyang hosting award
Kaya naman sure na sure, expect natin na mapapa-“sana all” at “aray ko, ang sakit” tayo sa pagtatambalan nina Anne at Jericho.
As of now, secret muna ang buong detalye ng kwento, release date, at iba pang cast.
Pero confirmed na ang shooting ay matatapos na ngayong buwan, kung saan Viva Films ang magpo-produce ng pelikula.
Kung matatandaan, unang nagkasama sina Echo at Anne sa MMFF 2008 entry na “Baler,” kung saan pinarangalan ito ng 10 awards kabilang na ang Best Picture at Best Actress para kay Anne.
Sa pelikulang iyon, gumanap ang aktres bilang si Feliza Reyes na na-in love sa Spanish-Filipino trooper na si Celso Resurreccion (ginampanan ni Echo) habang nasa kasagsagan ng Siege of Baler noong panahon ng Kastila.
Hindi lang doon nagtatapos ang kanilang tambalan, dahil nagkasama rin sila sa drama series na “Green Rose” noong 2011.
Last year pa nagbigay ng hint sina Jericho at Anne na may bagong project sila matapos i-post ang dinner photo kasama si Direk Irene.
Sa ngayon, busy pa rin ang dalawa sa kani-kanilang projects: si Jericho ay huling napanood sa revenge drama series na “Lavender Fields,” habang si Anne naman ay bida ngayon sa Philippine adaptation ng “It’s Okay to Not Be Okay.”
The post Anne Curtis, Jericho Rosales balik-tambalan sa pelikulang ‘The Loved One’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments