Cristy Fermin duda sa shocking revelations ni Liza Soberano: Bakit ngayon lang?!

KUNG marami ang naawa sa madilim na pinagdaanan ni Liza Soberano noong kabataan niya sa Amerika, may mga hindi rin kumbinsido, lalo na si Cristy Fermin.
Ito ay diretsahang inamin ng batikang kolumnista, kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez sa kanilang showbiz vlog na “Showbiz Now Na.”
Piniga-piga pa nga ng tatlo ang shocking revelations ng aktres at ang sabi ni Cristy: “Unang-una, kung ang lahat ng kwento ni Liza Soberano sa kanyang litanyang ito ay totoo, ay nako, nakakaawa talaga siya. Sobra siyang nakakakaawa…pero ang tanong nga ng marami, kahit ako ang tanong ko, bakit ngayon lang?”
Sumang-ayon si Romel na kung noon pa raw inilantad ni Liza ang mga pangyayari, baka mas naunawaan siya ng publiko.
Baka Bet Mo: Liza Soberano nagpa-psychiatrist; may trauma sa manika
Ngunit ang mas pinagdiskitahan ni Cristy, ang diumano’y alaala ng aktres noong siya ay dalawang taon pa lang.
“Dalawang taong gulang? Paano ko mapagkakatiwalaan ang kwento at pagbabalik-tanaw ng dalawang taong gulang? Sa edad na ‘yan, ang alam lang ng bata kumain, matulog, maglaro. Eh si Liza, retentive pala, pero bakit nung umalis siya dito sa showbiz ay hindi niya naalala na pasalamatan ang ABS-CBN at si Ogie Diaz na naging daan sa kanyang pangarap?” sey niya.
Hirit pa ni Cristy, parang “ibang Liza” ang ipinapakita sa bagong narrative nito.
Kaya hindi raw maiwasang isipin ng ilan na baka desperado na ang dalaga dahil hindi raw naging matagumpay umano ang Hollywood career nito.
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/sGIS7ClBf2U?si=EBEsCuKlgv60a_CU" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>
Para sa mga hindi pa aware, isinalaysay ni Liza ang mga pinakamasakit na yugto ng kanyang pagkabata sa YouTube tell-all na “Can I Come In?”
Kabilang na riyan ‘yung lumaki siyang hiwalay sa kanyang parents na parehong nasangkot sa droga at iba’t ibang kaso sa Amerika, pati ‘yung karanasan niyang pang-aabuso mula sa kamay ng kinakasama ng kanyang ina at ilang foster families.
Giit ni Cristy, hindi niya kayang paniwalaan ang buong naratibo ni Liza: “Sorry, pero ako mismo hindi ako naniniwala… Naaawa ako kung totoo ito, pero hindi ako naniniwala.”
Sumang-ayon naman diyan ang dalawa pang hosts na talagang nagdududa kung hanggang saan nga ba ang katotohanan sa shocking revelations ni Liza.
The post Cristy Fermin duda sa shocking revelations ni Liza Soberano: Bakit ngayon lang?! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments