Responsive Ad

Judge Frank Caprio pumanaw sa edad na 88

Judge Frank Caprio pumanaw sa edad na 88

PUMANAW na ang sikat at nakilala bilang “nicest judge in the world” na si Judge Frank Caprio sa edad na 88.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kanyang pamilya sa social media.

“It is with profound sadness that I share the news that my father Judge Frank Caprio passed away today, peacefully surrounded by family and friends after a long and courageous battle with pancreatic cancer,” saad ng kanyang anak na si David Carprio sa isang video na uploaded sa Instagram account ng US judge noong Miyerkules.

Baka Bet Mo: Hulk Hogan pumanaw na sa edad na 71

Dagdag pa niya, marami ang nagmamahal sa kanyang ama sa kanyang “unwavering faith in the goodness of people”, at pagiging “example of humanity”.

Bago ang kanyang pagkamatay, nakapag-post pa ng video si Judge Frank noong Martes na humihingi ng dasal para sa kanyang kalusugan habang nasa kanyang hospital bed.

Para sa mga hindi aware, isa si Judge Frank sa mga minahal ng netizens at naging internet sensation dahil sa kanyang lenient and compassionate approach sa mga nireresolbang isyu sa korte.

Napapanood sa kanyang courtroom reality TV show na “Caught in Providence” na nagsimula noong 2000 ang kanyang sympathetic treatment sa mga defendants na nahaharap sa traffic violations at parking tickets.

Dahil rito ay umani siya ng milyong followers sa social media at tinaguriang “the nicest judge in the world.”

Sinulat rin ni Judge Frank Caprio ang kanyang aitobiography na pinamagatang “Compassion in the Court: Life-Changing Stories from America’s Nicest Judge.”

The post Judge Frank Caprio pumanaw sa edad na 88 appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments