Responsive Ad

The Rest Is Noise 10 years na, pasabog ang mga gimik sa selebrasyon

The Rest Is Noise 10 years na, pasabog ang mga gimik sa selebrasyon

PHOTO: Courtesy of The Rest Is Noise

ISANG makasaysayang pagdiriwang ng musika at kultura ang magaganap sa ika-10 anibersaryo ng The Rest Is Noise (TRIN) sa “All Of The Noise 2025!”

Bilang selebrasyon, maghahatid ito ng dalawang araw na puno ng music documentaries, panel discussions, keynote presentations, isang exhibit, at live performances mula sa higit 16 na music acts mula sa Pilipinas, Taiwan, Singapore, Indonesia, at Thailand.

Ang two-day event ay mangyayari sa April 4 hanggang 5 sa Astbury Makati.

Mula sa pagiging isang year-end music festival, pinalawak ng TRIN ang konsepto ng “All Of The Noise 2025” upang maipagdiwang ang lumalawak na indie music scene ng Asya.

Hindi lang ito basta concert, kundi isang plataporma para sa networking, creative collaboration, at music discovery!

Baka Bet Mo: Vice Ganda sa kalagitnaan ng pinagdaraanang isyu: Amidst all the noise I see so much love

Ayon kay MC Galang, co-founder at creative director ng TRIN, “As we celebrate 10 years of The Rest Is Noise, we wanted to highlight what helped us reach this milestone in the first place, which is our community.”

Ibinahagi rin niya kung paano nagsimula ang TRIN sa Metro Manila, ngunit lumawak ito patungong Visayas, Mindanao, Southeast Asia, at maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa umaga at hapon, tampok ang music-themed documentary screenings, panel discussions, at keynote presentations.

Sa gabi naman, isang engrandeng live music showcase ang ihahatid ng mga critically acclaimed at rising musicians mula sa Pilipinas at iba pang bansa sa Asya.

The Rest Is Noise 10 years na, pasabog ang mga gimik sa selebrasyon

PHOTO: Courtesy of The Rest Is Noise

The Rest Is Noise 10 years na, pasabog ang mga gimik sa selebrasyon

PHOTO: Courtesy of The Rest Is Noise

Magtatampok din ng isang espesyal na exhibit ang likha ni Karen De La Fuente, isang batikang music photographer mula sa Maynila na nakilala sa kanyang mga nakabibighaning larawan ng mga sikat na musikero sa entablado.

Ang lineup naman ng live music showcase ay pinangunahan ng The Chairs (Taiwan), KIKI (Thailand), San The Wordsmith (Singapore), at Logic Lost (Indonesia).

Makakasama nila ang ilan sa pinakamahuhusay na acts mula sa Pilipinas na sina ena mori, SOS, Pedicab, Waiian, at obese.dogma777.

Mula Cebu, magpapakitang-gilas din ang Mandaue Nights at IIICCCYYY.

Samantala, unang beses namang ipapakilala sa publiko ang Double Shy, isang bagong music project nina Paul Yap (UDD) at Mario Consunji (Musical O).

Kasama rin sa lineup ang Cheeky Things, Pette Shabu, Pixie Labrador, SVATG, at Fashion Island.

Babalik din ang “Cut Through The Noise,” isang conference program na tatalakay sa mahahalagang isyu at oportunidad sa indie music scene sa pamamagitan ng panel discussions.

Narito ang ilan sa mga paksa:

  • Bisdak! VisMin Music Community at Decentralizing OPM Narratives & Opportunities (Abril 4)

  • Music Showcase & Creative Industry Development: A Career-Building Guide (Abril 4)

  • Empowering Queer Visibility and Imagery in Pinoy Music (Abril 5)

  • Brash Maximalism: ‘Budots’ and the Global Future of Pinoy Electronic Music (Abril 5)

Bukod dito, magpapalabas din ng dalawang award-winning music documentaries: “Budots: The Craze” nina Jay Rosas at Mark Limbaga (Abril 4) at “Jingle Lang Ang Pahina” ni Chuck Escasa (Abril 5).

Pagkatapos ng screening, magkakaroon ng talkback session kasama ang mga filmmaker.

Isa sa mga pangunahing tagasuporta ng “All Of The Noise 2025” ay ang Symphonic Distribution, pati na rin ng community partners tulad ng AXEAN Festival, SRM, Filla Killa, Coast2Coast, GNN, Nyou, Winery PH, at Guevarra’s.

Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng isa sa pinakamalalaking music gatherings ng taon!

Ang presyo ng tickets ay mula P800 hanggang P1,400 na mabibili sa https://bit.ly/aotn2025.

The post The Rest Is Noise 10 years na, pasabog ang mga gimik sa selebrasyon appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments