Responsive Ad

Dustin Yu agaw-eksena agad sa PBB Collab, black sheep ng family

PBB housemate Dustin Yu black sheep daw pero super work para sa pamilya

Dustin Yu

AGAW-EKSENA agad ang Kapuso actor na si Dustin Yu bilang isa sa mga  celebrity housemates ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition“.

Sa tatlong araw na pamamalagi ng 15 boarders ni Kuya mula sa Sparkle Artists Management ng GMA 7 at Star Magic ng ABS-CBN, marami nang nalaman at nabuking ang manonood.

At isa na nga riyan si Dustin Yu, na ipinakilala bilang Chinito Boss-sikap ng Quezon City. Kasisimula pa lang ng iconic reality show na napapanood sa GMA pero nagmarka na agad ang binata.

Habang nasa loob ng Bahay ni Kuya, nagkachikahan ang ilang housemates tungkol sa kanilang personal na buhay at isa nga sa mga nagbahagi ng kanyang karanasan si Dustin.

Nagkuwento ang young actor sa naging takbo ng buhay niya bilang middle child, “Ako ‘yung laging sinasabihan ng black sheep pero ako ‘yung laging nagtatrabaho para sa pamilya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pinoy Big Brother (@pbbabscbntv)


Nag-viral agad sa social media ang naging rebelasyon ng binata at maraming nagsabi na naka-relate sila sa  pagiging middle child.

Bago maging celebrity housemate, napanood si Dustin sa GMA drama series na “Mano Po Legacy: The Family Fortune” noong 2022 at “Black Rider” noong 2023.

Ang iba pang Sparkle artists na nakapasok sa Bahay ni Kuya ay sina Michael Sager, Ashley Ortega, AZ Martinez, Will Ashley, Josh Ford, Charlie Fleming at Mika Salamanca.

Napapanood ang “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 10 p.m. at 6:15 p.m. every weekends sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

The post Dustin Yu agaw-eksena agad sa PBB Collab, black sheep ng family appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments