Responsive Ad

Pops, Lani pahihirapan bilang bagong hurado ng TNT All Star Grand Resbak

Pops, Lani pahihirapan bilang bagong hurado ng TNT All Star Grand Resbak

Lani Misalucha, Louie Ocampo, Pops Fernandez at ang mga host ng ‘It’s Showtime’

MARAMING na-happy at na-excite nang ibandera ang pagkakapili kina Original Concert Queen Pops Fernandez at Asia’s Nightingale Lani Misalucha bilang mga bagong hurados sa “TNT All Star Grand Resbak 2025.”

Komento ng madlang pipol, pak na pak ang dalawang music icon as additional judges sa naturang singing competition segment ng “It’s Showtime.”

Siguradong ibang klaseng flavor ang maibibigay nina Pops at Lani sa latest edition ng “TNT” sa pagkilatis sa 48 napiling resbakers na maglalaban-laban sa pinakabagong edisyon ng iconic singing contest sa bansa.

Sa naganap na mediacon para sa pagbabalik ng “TNT”, natanong ang iba pang mga hurado sa pagdating nina Pops at Lani sa show.

Sey ni Karylle, super happy siya na muling makasama at maka-work ang dalawang OPM icon.

“It came as a surprise. I’m just really excited to work with Pops and Lani again and to show them how fun it is to be here,” chika ni Karylle.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)


Ayon naman kina Louie Ocampo at Jed Madela, sure na sure sila na mas magiging exciting ang bagong season ng “TNT” sa paghuhurado nina Pops at Lani sa mga resbakers na sasalang sa entablado ng naturang kumpetisyon.

“I’m excited and very nervous because to be surrounded by these talented people, I have to be prepared. To be part of this group, ito yung tunay na ‘TNT.’ Tried and tested,” ani Louie .

Sey naman ni Jed, “Sobrang saya ko na nabibigay sila ng isa pang opportunity para ipakita kung gaano sila kagaling. Exciting ito kasi salang-sala sila itong grupo na ito.”

Samantala, sabi naman ni Ogie, mas magiging kaabang-abang ang season na ito dahil sa mas pinakabonggang format. Tinawag din niya ang “TNT” na pinakamahirap na singing competition sa buong mundo.

“Napakaganda ng format this season. Patibayan talaga ito. It is nice to see old faces and new faces. Alam niyo itong ‘Tawag ng Tanghalan’ ang pinakamahirap na singing contest. It stands the test of time. It’s like a marathon,” sabi ng Ultimate Singer-Songwriter.

Kahapon nagsimula ang unang bakbakan ng “TNT All Star Grand Resbak 2025” kaya patuloy na abangan ang bakbakan ng 48 resbakers na sina Psalm Manalo, Dior Bronia, Lee’anna Layumas,Niña Holmes, Nowi Alpuerto, Yen Victoria, Phoebe Salvatierra  Miano, Arvery Lagoring, Eunice Encarnada, Judylou Benitez, Mark Justo, Tenten Pesigan at Vensor Dumasig.

Nandiyan din sina Aboodi Yandog, Adrian Manibale, Ayegee Paredes, Jezza Quiogue, Marko Rudio, Shamae Mariano, Shirlyn Hida, Charizze Arnigo, Eich Abando, Rachel Gabreza, Shanne Gulle,Froilan Cedilla, Raymundo Alvarez, Marco Adobas, Makki Lucino, Nicole Yu, Isaac Zamudio, Raven Heyres, Jeremiah Tianco, Dylan Genicera at Shawn Agustin.

Kumasa rin sa hamon sina Keith Perez, Aliyah Quijoy, Antonetthe Tismo, Jomar Pasaron, Kim Nemenzo, Chin Chin Abellanosa, John Ramirez, Aihna Imperial, Lady Ramento, Maty Cabagte, Mariel Reyes, RG Mia, at Venus Pelobello.

The post Pops, Lani pahihirapan bilang bagong hurado ng TNT All Star Grand Resbak appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments