Ashley Ortega, Michael Sager, Klarisse, Kira, Esnyr pasok sa PBB Collab

Ashley Ortega, Michael Sager, Klarisse de Guzman, Kira Balinger at Esnyr
NAGSIMULA na ang pinakabagong season ng iconic reality show sa Pilipinas, ang “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition“.
Ngayong araw, March 9, ipinakilala na sa buong universe ang ilan sa mga official housemates na papasok sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya na sa unang pagkakataon ay mapapanood na nga sa GMA 7.
Ang mga napiling housemates para sa 20th year ng “PBB” ay mula sa Sparkle talent management ng GMA 7 at Star Magic ng ABS-CBN.
Fifteen Kapuso at Kapamilya celebrities ang isa-isang pinapasok sa makasaysayang Bahay ni Kuya ngayong Linggo, March 9, upang doon manirahan at magsama-sama nang ilang buwan.
View this post on Instagram
Kailangan nilang gawin at sundin ang mga tasks na ipagagawa ni Big Brother kung saan masusubok and kanilang talino, abilidad at diskarte sa buhay.
Narito ang listahan ng 14 boarder ni Big Brother sa “PBB Collab“.
Michael Sager, ang Diligent Wonderson ng Marinduque
Ashley Ortega, ang Independent Tis-ice Princess ng San Juan
AZ Martinez, ang Miss Sunuring Daughter ng Cebu
Will Ashley, ang Mama’s Dreambae ng Cavite
Josh Ford, ang Survivor Lad ng United Kingdom
Charlie Fleming, ang Bubbly Breadteener ng Cagayan De Oro
Dustin Yu, ang Chinito Boss-Sikap ng Quezon City
Mika Salamanca, ang Controversial Ca-babe-len ng Pampanga
AC Bonifacio, ang Dedicated Showstopper ng Canada
Esnyr, ang Son-sational Viral Beshie ng Davao Del Sur
Brent Manalo, ang Gentle-linong Heartthrob ng Tarlac
Klarisse De Guzman, ang Kwelang Soul Diva ng Antipolo
River Joseph, ang Sporty Business Bro ng Muntinlupa
Ralph De Leon, ang Dutiful Judo-son ng Cavite
Kira Balinger, ang Hopeful Belle ng Cavite
Ang “Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab” ay isang major at historical collaboration sa pagitan ng GMA Network at ABS-CBN bilang bahagi nga ng 20th anniversary celebration ng “PBB” ngayong 2025.
This is hosted by Sparkle artists Gabbi Garcia and Mavy Legaspi, with the original Kapamilya hosts Robi Domingo, Bianca Gonzalez, Melai Cantiveros, Kim Chiu, Enchong Dee and Alexa Ilacad.
The post Ashley Ortega, Michael Sager, Klarisse, Kira, Esnyr pasok sa PBB Collab appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments