Gladys Guevarra todo pray para sa gobyerno, mga pamilyang nasaktan: ‘God save PH’

PHOTO: Instagram@igladychuchayguevarra
MAY panawagan ang actress-singer na si Gladys Guevarra matapos arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court.
Ang kanyang apela sa publiko ay ipagdasal ang paghilom ng gobyerno, pati na rin ang pagbibigay ng respeto sa mga opinyon ng tao.
Sa pamamagitan ng Instagram, inihayag ni Gladys na may iba’t-ibang paniniwala ang mga Pinoy pagdating sa pulitika at diyan niya inalala ang unang pagkikita nila ni Duterte.
“‘Di tayo pare-pareho ng opinyon at tingin sa kanya. Sa mga kaibigang taliwas sa opinyon at paniniwala ko, nire-respeto ko din naman mga opinyon at paniniwala ninyo sa tao mang ito o sa gobyerno,” sey niya sa post.
Baka Bet Mo: Gladys Guevarra sa mga nangnenega sa kanyang 2nd marriage: Masaya po ako ngayon, ‘wag n’yo pong basagin
Patuloy ng ktres, “Pero maalala ko lang itong araw na nakilala ko siya, nakausap at nakaharap. Hindi presidente o politiko ang naramdaman ko nung makamayan at mayakap ko siya, kundi isang ama, o tatay na gusto lamang eh protektahan ka.”
Nilinaw rin ni Gladys na ayaw niyang makipagtalo kahit kanino dahil never naman siyang naging botante.
“Minsan na akong napaso sa social media tungkol sa pagbibigay opinyon sa politika o sa palakad ng gobyerno. At di ko na nanaisin pang muli,” sambit niya.
Pakiusap niya, “‘Wag na tayo magpaka-isip bata ngayon ha? Wala ng unfriend-an, wag tayo ang mag away away.”
“Irespeto niyo opinyon ng bawat isa… Ang maganda n’yan, ipagdasal natin na mag-heal ang government, mag-heal ang lahat ng nasaktang pamilya ng gobyerno, physical man ‘yan o emotional being nila, at manatiling safe ang bawat Filipino lalo ngayon,” dagdag niya.
Sa pagtatapos ng kanyang post ay naglagay siya ng hashtag na “Tatay Digong,” “God Save Philippines,” at “Heal Our Government Officials.”
View this post on Instagram
Magugunitang inaresto si Duterte kamakailan lang dahil sa bisa ng arrest warrant mula sa ICC.
Ito ay kaugnay sa kasong crimes against humanity laban sa kanya matapos ang giyera kontra droga sa kanyang pamamahala sa bansa.
Bilang hawak na ng ICC si Duterte, siya ang unang lider mula Asya na humarap sa paglilitis sa The Hague.
Ang pre-trial hearing ay natapos na nitong Biyernes, March 14, at ang susunod na pagdinig ay mangyayari sa Setyembre.
The post Gladys Guevarra todo pray para sa gobyerno, mga pamilyang nasaktan: ‘God save PH’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments