Batikang aktres hindi makangiti, hirap mag-hello dahil bagong ‘botox’?

BAGONG botox kaya ang premyadong aktres dahil hindi makangiiti nang batiin siya ng ilang media friends nang makita siya sa airport kamakailan.
Ito ang tanong ng aming mga kasamahan sa panulat dahil nakasalubong namin ang premyadong aktres at sabay bati sa kanya pero hindi ito ngumiti, ang sagot lang ay “hello” na tila hirap pang masabi.
Duda ng isa sa kasamahan namin, “Mukhang bagong botox (aktres) hirap igalaw ang fez.”
Pero ang kasama niyang guwapong guy ay bumati naman.
Baka Bet Mo: Ellen Adarna nagpa-botox ng ilong para maganda pa rin ang pag-iyak sa harap ng camera, pero hindi raw nagparetoke
At habang naghihintay kami ng boarding ay kanya-kanyang tsika na ang mga kasamahan namin tungkol sa premyadong aktres.
Sabi ng kasamahan namin, “Kaloka kapag presscon panay ang bati at mega beso pa, ngayon ay waley.”
Anyway, si aktres ay lulubog lilitaw ang karera dahil mas prayoridad nito ang pamilya.
“Wala na kasing kumukuha sa kanya kasi simangot siya,” birong seryoso ng kasamahan namin.
Tsinek namin sa wikipedia ang latest show o movie ng simangot este bagong botox nga bang aktres at may naging show siya nu’ng 2023 at 2024. May gagawin siya ngayong 2025.
The post Batikang aktres hindi makangiti, hirap mag-hello dahil bagong ‘botox’? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments