Ivana Alawi nagsalita na sa isyu sa kanila ni Coco: Kilala naman nila ‘ko!

Ivana Alawi at Coco Martin
TINAWAG na fake news ni Ivana Alawi ang mga naglabasang chika na hindi maayos ang pag-alis niya sa “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Kumalat ang balitang pinatay agad ang karakter niya sa nasabing Kapamilya action-drama series dahil masyado raw siyang demanding at maraming kaartehan sa katawan.
In fairness, naglabas naman ng statement ang production ng “Batang Quiapo” at dinenay na tsinugi si Ivana dahil ayaw na siyang makatrabaho ng team ni Coco.
Nilinaw din noon ni Ivana na maayos siyang nagpaalam kay Coco at sa mga bossing ng ABS-CBN dahil hindi na niya kaya ang schedule at challenge ng taping para sa naturang programa.
Nagpasalamat din siya sa lahat ng nakasama niya sa serye, hindi lang sa mga artistang naka-work niya kundi pati sa lahat ng crew at production staff.
View this post on Instagram
“Maayos sobra. The whole production, nag-text silang lahat, maayos.
“Nagulat ako, minention yan ng production, sabi, ‘hindi yan sa amin.’ Mga fake news yan.
“Sometimes, it really happens, especially when you’re in showbiz. Ako naman, siguro yung nagmamahal sa akin, kilala nila ako,” ang paliwanag ni Ivana nang makachikahan ng BANDERA at ilan pang members ng entertainment media sa kanyang pa-thanksgiving kamakailan.
Kuwento ni Ivana, naka-focus siya ngayon sa kanyang YouTube channel at very soon ay muli siyang mapapanood sa bagong teleserye ng ABS-CBN at meron din siyang bagong pelikula.
Nito lamang Linggo, March 9, ay ginulat niya ang madlang pipol at mga Kapuso viewers dahil sa special participation niya sa pilot episode ng 20th anniversary celebration ng “Pinoy Big Brother”, ang “PBB Celebrity Collab Edition”.
Samantala, mas ine-enjoy ngayon ni Ivana ang quality time with her family. Espesyal na para sa kanya ang pagkain nila ng pamilya nang sama-sama.
“‘Yung time sa family. Magluluto kami. Kumakain kami nang sabay-sabay. ‘Yan ‘yung mga simpleng bagay na hindi mo mabibili. Lahat ng pera, bags mo, hindi mo madadala.
“Nae-enjoy ko kung anong mayroon ako but it’s not something that I can bring. ‘Yung pinakaimportante ay ‘yung pamilya ko kasi sila ‘yung nasa hospital nu’ng time na hirap na hirap ako,” aniya pa.
“Mayaman ako sa pagmamahal, sa pamilya. ‘Yung pera, mawawala rin ‘yan. Contented ako kung anong mayroon ako,” dagdag pa ni Ivana.
The post Ivana Alawi nagsalita na sa isyu sa kanila ni Coco: Kilala naman nila ‘ko! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments