Responsive Ad

Ivana Alawi: Pangarap kong bumuo ng pamilya at maging housewife!

Ivana Alawi: Pangarap kong magkapamilya at maging housewife!

Ivana Alawi

KUNG may isang pangarap sa buhay si Ivana Alawi na hindi pa natutupad, yan ay ang makapagpakasal at magkaroon ng sariling pamilya.

Ang talagang target age raw niya na bumuo ng family ay 30, ibig sabihin dalawang taon na lang ang hihintayin niya dahil 28 years old na siya ngayon.

Pero depende pa rin naman daw ang lahat sa mga nakatakdang mangyari sa personal niyang buhay pati na rin sa kanyang showbiz career na mas magiging busy daw ngayong 2025.

Sa naganap na presscon at pa-thanksgiving ni Ivana para sa members ng media, natanong ang aktres kung ano pa ba ang dream niya na gusto niyang ma-achieve sa gitna ng tinatamasa niyang tagumpay ngayon.

“Meron akong pangarap na maa-achieve ko, very, very soon. Pangarap ko siya dati pa. So, siguro ‘yun pa lang,” sagot ni Ivana.

Pagpapatuloy niya, “Next pangarap ko is siyempre, makabuo na ng pamilya, maging housewife. Alam n’yo naman ‘yun. So, hindi pa natutupad ‘yun.”

Nang hingan siya ng clue kung ano ba ‘yung pangarap niya na matutupad na very soon ay tumanggi muna siyang sabihin pero this month na raw ito mangyayari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Basta matutupad siya at malalaman n’yo agad-agad. Mga this month,” sagot ng aktres at vlogger.

Samantala, super happy si Ivana na finally ay nakasama at naka-bonding niya ang mga members ng entertainment press at nakapagpasalamat sa lahat ng tulong at suporta sa kanya. Last year pa raw niya ito gustong gawin pero hindi natutuloy because of her busy schedule.

Kaya naman talagang pinilit na niyang isingit ito ngayon at hanapan ng oras dahil long overdue na raw ito. At in fairness, talagang na-happy ang press people sa mga pasabog ni Ivana!

Nauna rito, nilinaw din ng dalaga ang balita na na-diagnose umano siya ng isang uri ng cancer na nagsimula sa prediction ng kilalang psychic na si Rudy Baldwin.

Nabanggit ni Rudy Baldwin na may nakikita siyang isang vlogger na nag-aartista rin na tatamaan ng cancer na magreresulta sa kanyang pagkamatay ngayong taon.

Paglalarawan ng psychic sa sikat na content creator – maganda raw ito at sexy. Foreigner daw ang tatay nito. Sey pa ni Rudy, nagkaroon na raw noon ng health problems ang vlogger pero nalagpasan niya ito.

“Bigla siyang nag-shutdown,” sey ni Rudy hanggang sa nagkaroon na nga raw ng cancer ang katawan nito dahil hindi na nagamot.

At kahit daw maraming pera ang vlogger, hindi na nito maisasalba ang kanyang buhay, “Hanggang doon na lang talaga siya, wala na akong nakikitang kadugtong.”

Pahayag ni Ivana tungkol dito, “Walang katotohanan na nagka-cancer ako. Hindi yun true, huwag kayong mag-alala.”

“Actually, ito lang, noong last week, nagkatrangkaso. Kasi, kapag sunud-sunod talaga ang trabaho. So far, yun pa lang. I’m much better now,” aniya pa.

“Yung mama ko, nag-alala du’n. Sabi ko, ‘Ma, huwag kang mag-alala, wala tayo niyan,’” sabi pa ng dalaga.

Dagdag ng vlogger, “Wala namang makakapag-predict kung kalian ka mawawala. At saka it’s nothing that we should be scared of kasi lahat tayo makakarating do’n. Ang makakaalam lang ay ang Diyos. Okay ako.”

Inamin naman ni Ivana na totoong nagkasakit siya nang medyo malala, “It took a month to recover. Tapos yun, bawal kumilos, bawal mag-gym kaya siguro nagkalaman ako. Pero happy naman ako, wala akong pakialam diyan, basta healthy, yun ang importante sa akin. Ayun, wala na akong sakit.”

The post Ivana Alawi: Pangarap kong bumuo ng pamilya at maging housewife! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments