Ivana ayaw nang magdyowa ng showbiz: Ginagawa akong sugar mommy!
NAKIKIPAG-DATE ngayon ang Kapamilya actress at star vlogger na si Ivana Alawi pero mukhang wala pa siyang nagugustuhan sa mga nanliligaw sa kanya.
Wala pa ring boyfriend si Ivana until now dahil mas gusto muna niyang mag-focus sa kanyang showbiz career at siyempre sa kanyang pamilya.
Pero aniya, pagsapit ng edad 30 (28 years old na siya ngayon), gusto na niyang maging wifey at bumuo ng sariling pamilya. Sa ngayon, iga-grab muna niya ang lahat ng opportunities na dumarating sa niya.
Sa pa-thanksgiving party ng aktres para sa press na nakatulong at sumusuporta sa kanyang career last Friday, March 7, mas gusto raw niyang magkadyowa ng non-showbiz.
Baka Bet Mo: Ivana Alawi sa isyu ng lovelife: Wala akong sinisirang pamilya!
“Hindi talaga ako mahilig sa showbiz. Pag showbiz, hindi talaga kami nagwo-work,” ani Ivana.
Sundot na tanong sa kanya, bakit ayaw na niya sa mga taga-showbiz? “Ano ka ba? Nakailang date na ako ng mga showbiz, ginagawa akong mama, sugar mama!
“Ako naman, okay ako, split the bill. Pero huwag naman todo-todo na lahat na lang ako,” rebelasyon ni Ivana.
Dagdag pa niya, “Ayoko yung showbiz na nakikita ko nakikipaglaplapan sa iba, hindi ko kaya. Pero ako puwede, di ba?”
“Sana maintindihan niya. Kung pipili siya ng showbiz, kaya niya ako. Kasi ako, yung mga kissing scenes, bed scenes, so dapat ready siya. Ako, hindi ako ready sa kanya. Kaya non-showbiz,” natatawang sey pa ni Ivana.
Inamin din niya na may mga politikong nanliligaw sa kanya pero ayaw niyang i-entertain ang mga ito, “Marami, e. Iba-iba. Dedma, o kaya pagka ano, dedma. Date na non-showbiz.”
Ang hinahanap niya sa isang lalaki ay simpleng tao lang pero handang tumulong sa nangangailangan, “Tsaka hindi mayabang, saka may puso. Yung same heart, gustong tumulong din and all.
Samantala, kung may isang bagay na ikino-consider ni Ivana na walang katumbas na pera, yan ay ang oras niya sa pamilya.
“Yung time with the family, kakain kami, nagluluto kami, tapos kakain nang sabay-sabay. Yun yung mga simpleng bagay na hindi ko mabibili. Pero nae-experience ko at masayang-masaya ako du’n.
“Alangan namang lumab-life pa ako, hindi pa ako tapos sa trabaho. So, parang yun naman e, work, family, saka date-date ganu’n, o,” aniya pa.
“Ang nasa utak ko, tumulong muna, bago ako lumab-life, di ba? Bago ako mag-focus sa pag-ibig. Mga vendors, magsasaka, yung mga taong nangangailangan talaga ng tulong. Yung mga fishermen natin, yan,” sabi ni Ivana.
The post Ivana ayaw nang magdyowa ng showbiz: Ginagawa akong sugar mommy! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments