Tony at Boom Labrusca pinagpiyestahan ng mga bading: Parehong yummy!

Boom Labrusca at Tony Labrusca
PINAGPIYESTAHAN ng mga netizen, kabilang na ang mga beki, ang litrato ng mag-amang Boom Labrusca at Tony Labrusca sa social media.
Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga Facebook users nang makita nila ang picture ng dalawang aktor na magkasama.
Sa Facebook page ng GMA 7 nakabalandra ang litrato ng magtatay kasabay ng announcement na may kani-kanya silang programa sa Kapuso Network.
Napapanood ngayon ang tatay ni Tony na si Boom sa “Lolong: Bayani ng Bayan” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid habang si Tony naman ay leading man ni Herlene Budol sa afternoon series na “Binibining Marikit.”
Nagsimula ang showbiz career ni Boom noong dekada 90 habang si Tony ay nagsimula sa ABS-CBN at nakilala sa pelikulang “Glorious” kung saan naging kontrobersyal ang laplapan nila ni Angel Aquino.
Unang nakilala si Tony nang sumali siya sa “Pinoy Boyband Superstar” ng ABS-CBN noong 2016 at pagkatapos nito ay kinarir na niya ang pag-aartista.
Marami ang nagkomento ng “like father, like son” dahil parehong gwapo at hunky-hunky ang kanilang datingan. Sabi naman ng ilang fans, parang magkuya lang ang peg ng mag-ama base sa kanilang mga photos together.
View this post on Instagram
Meron namang na-shookt at hindi makapaniwala na mag-ama pala sina Boom at Tony. Ilang netizens din ang nag-comment na mas bata pa raw ang itsura bi Boom kay Tony. Narito ang mga nabasa naming reaksiyon ng FB users.
“Kala mo mgkapatid talaga mas mature pa anak nya itsura… parang d ren tumatanda ang father.”
“You guys look like brothers only!”
“Di hamak na mas guwapo at mas malakas ang dating ng ama. Nakita ko na nga yang si Tony sa personal, super close up pa, di naman kaguwapuhan.”
“Mag ama pala sila, Mas matured yung mukha ng anak yung tatay baby face pareho handsome.”
“Parang mag Kapatid lang.”
“Nasan ang hustisya mga beh bakit para lang silang magkapatid?”
“They’re like brothers. Both good looking men!”
“Cute pa rin Boom!”
Sa mga hindi pa aware, anak ni Boom si Tony sa singer na si Angel Jones. Sa ngayon, happy naman si Tony sa piling ng kanyang asawang aktres na si Desiree Del Valle.
Ikinasal sila noong January 14, 2018 at biniyayaan sila ng isang anak, si Alexander Sebastian.
The post Tony at Boom Labrusca pinagpiyestahan ng mga bading: Parehong yummy! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments