BabaeAko: Marian, Heart, Pia, Juday, Kathryn may kanya-kanyang ‘powers’

Judy Ann Santos, Kathryn Bernardo, Pia Wurtzbach, Heart Evangelista at Marian Rivera
IBA’T IBA ang pinagdaraanang pagsubok at problema ng bawat kababaihan, pero nagkakaisa sila sa kanilang ipinaglalaban — ang patas na pagtingin at respeto ng lipunan.
Ngayong Women’s Month, naglista kami ng limang kilalang empowered na babae na hinahangaan at tinitingala ng mga Filipino mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
View this post on Instagram
HEART EVANGELISTA
Very open ang buhay ng Kapuso actress at international fashion icon na si Heart Evangelista sa publiko – mula sa career here and abroad hanggang sa kanyang personal and married life.
Alam ng lahat na marami na ring pinagdaanan ang wifey ni Sen. Chiz Escudero pero napagtagumpayan nila ang lahat ng ito at nananatiling matatag at matapang sa pagharap sa mga laban ng buhay.
“As a person, you have so many other things going on like pressures in life and problems and you have to deal with so many things but you don’t have to feel bad about yourself.
“But if you do feel bad about yourself, it’s completely normal. So, it’s about balancing your life, not giving into pressure. And if you do feel pressure, it’s okay to breathe from time to time.
“I always say this but it’s so true, never aim for perfection because you’re going to aim to fail. Perfection is not of this world.
“So you just have to continue to be yourself. You have time. You’re young. There’s no age where you have to be this way or that. Just go with the flow. What is yours will be yours. It’s just a matter of time.
“And just work hard, be kind even if it’s so hard to be kind at times. It will pay off. One day you’re going to get to where you want to be. So don’t pressure yourself and live life a day at a time,” ang pahayag ni Heart sa isang panayam.
PIA WURTZBACH
Maraming naka-relate sa mga hugot ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach tungkol sa isyu ng pagbubuntis, panganganak at pagiging nanay ng isang babae.
May mga nagsasabi na “inappropriate” ang pagtatanong sa isang babae kung kailan siya mag-aasawa at magkakaroon ng anak. Isa nga si Pia sa laging “biktima” ng ganitong sitwasyon.
“You know, people just ask me, ‘When are you going to have kids? After I got married, I just keep hearing that question everywhere,” sabi ni Pia na super happy naman ngayon sa piling ng asawang si Jeremy Jauncey.
Naniniwala ang beauty queen-actress at host na hindi lang sa pagiging nanay mame-measure ang kahalagahan ng isang babae.
“I think your worth as a woman is not measured by you being able to bear a child. There’s really so many more things to a woman that just bearing children. Some women do not want to have kids. Some women want to be amazing at their careers, they want to put all their effort into that.
“Maybe they want to take care of their parents all their life. Maybe they want to commit their life to social work. Maybe they just have different plans. That doesn’t mean that a woman is less valuable or less capable.
“I really want to stand up for women who choose not to have kids. I respect that, I salute that. I want to (magkaanak) eventually, but I’m going to be honest, I’m hating that question lately.”
MARIAN RIVERA
Pagmamahal at tamang pag-aalaga sa sarili ang nais ibahagi ng Kapuso Park Queen na si Marian Rivera sa lahat ng kababaihan all over the world.
Sa edad niyang 40, binigyang-diin ng asawa ni Dingdong Dantes ang kahalagahan ng self-care habang nagkakaedad.
“Wala namang masama na mag-age ka pero syempre mas maganda na mag-age ka na inaalagaan ang sarili mo. Sabi nga, kung ano ang tine-take mo, ‘yun ang nakukuha mo.
“Yan ang sinasabi ko sa mga tao na anuman ang iyong trabaho, huwag mong kalilimutan ang sarili mo. Babae ka man o lalaki ka man, kailangan talaga inaalagaan mo ang sarili mo kasi dun nagsisimula ang lahat.
“Mahalagang-mahalaga na binibigyan mo ng importansya ang sarili mo bago ang lahat. Sabi ko nga, as a mom and as asawa ni Dong kailangan ako mismo sa sarili ko, kumpleto ako, at mahal ko ang sarili ko at nakikita ng mga anak ko ‘yun.
“Kasi paano ko sasabihin sa kanila na, ‘Alagaan ninyo ang sarili niyo. Kailangan maayos kayo kapag lalabas,’ pero kung makita nila na ‘yung nanay nila eh hindi nag-aayos. So sa akin pa lang, kahit wala na akong sabihin, nakikita ng mga anak ko kung paano alagaan ang sarili ko. For sure, kapag lumaki na sila, ganun din ang gagawin nila,” paliwanag pa ni Marian.
JUDY ANN SANTOS
Idol na idol ngayon ng mga kabataang nanay ang Queen of Soap Opera na si Judy Ann Santos dahil sa kanyang successful career and family life. Madalas naming marinig sa mga young mommy na gusto rin nilang ma-achieve ang estado ngayon ng married life ni Juday.
Ayon sa award-winning actress, mahabang pasensiya at “compassion” ang dalawa sa mga sikreto niya sa pagiging mabuting nanay.
“It’s patience and compassion. Kasi iba ‘yung patience ng mother kahit gaano ka puyat, kahit gaano kapagod, pagdating sa mga anak mo, wala na iyon. Hindi mo na puwede isipin iyon.
“At saka for some reason, nagkakaroon ka ng extra energy, basta kapag sinabi mo para sa mga bata, okay tatayo ako,” ang pahayag ni Juday.
KATHRYN BERNARDO
Kung may isang artista na talagang pak na pak ang kasikatan ngayon, yan ay walang iba kundi si Kathryn Bernardo. Patunay diyan ang tagumpay ng makasaysayang pelikula nila ni Alden Richards na “Hello, Love, Again” na kumita ng mahigit P1 billion sa takilya.
Ayon kay Kath, sa lahat ng ginagawa niyang projects, isa sa palaging kino-consider niya ay ang tema ng women empowerment.
“I really want to do something na involved ang mga kababaihan dahil ‘yun ang kailangan natin i-tackle sa nangyayari sa mundo ngayon. Nakakatuwa, especially the young ones and Gen-Zs, sila ‘yung nagiging representation na ito kami ngayon.
“When I’m alone, I wanted to do something na may kinalaman sa mga kababaihan. I want to inspire my fellow women. I want to empower them. And I want the women to see sino ‘yung character na kakapitan niyo after watching.
“Every woman, we have our own battle. Nasa atin lang ‘yun kung paano natin haharapin (It’s up to us how can we face them. I would always fight for what is right, especially if someone else is involved and your dignity is being pushed down to the ground,” sabi pa ng Box-office Queen.
Inamin din ng aktres na hindi siya perfect, “Growing up, hanggang ngayon, aware ako na maraming nakatingin sa ’yo. You have to be good. You have to do this and that because kids would imitate what they see in you,” sabi pa ni Kath.
The post BabaeAko: Marian, Heart, Pia, Juday, Kathryn may kanya-kanyang ‘powers’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments