Dennis never naisip na magiging Best Actor sa 50th MMFF: ‘Gusto ko lang i-enjoy’
ISA ang pelikulang “Greenbones” sa gusto naming mapanood ngayong 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil sa mga naririnig naming magandang reviews kaya naman nang imbitahan kami ng manager ng aktor na si Tita Becky Aguila ay um-oo agad kami.
To be honest, nasa kalahati palang ng pelikula kaming nanonood ay bumulong na kami sa katabi namin, “Mahusay nga at makakatapat ito nina Arjo (Atayde) at Aga (Muhlach).”
Actually, tatlong aktor ang alam naming mahigpit na magkalaban sa Gabi ng Parangal, sina Aga Muhlach(Uninvited) Dennis Trillo at Arjo Atayde (Topakk).
Nu’ng unang ipakitang sumesenyas si Domingo Zamora (Dennis) ay napaniwala niya kaming pipi siya, lalo’t ipinakitang may napatay siya, pero sa kabilang banda at nagtataka naman kami kung bakit nakakarinig siya kaya feeling namin may twist sa huli.
Baka Bet Mo: Vice sa MMFF 2024 entry: Walang nagmumura at nagbabato ng upuan
E, ‘yun nga nagpanggap na pipi para nga naman hindi na siya paulit-ulit na tanungin pa kung ano ang tunay na nangyari.
Walang kuwestiyon, magaling na aktor si Dennis pero kung nasusundan mo ang mga pelikula at series niya ay halos may pagkakapareho ang pag-arte niya, pero naiba lang dito sa “Greenbone”s dahil nagpanggap siyang pipi.
Sa kabilang banda ganu’n din si Aga sa “Uninvited” na nakita na siyang masama sa pelikulang “Sa Aking Mga Kamay” (1996) kaya more or less sa mga nakapanood sa aktor ay puwede nilang sabihin “same” pero ang totoo, may pagbabago ‘yung pagiging naughty mind niya na tinawanan ng audience nu’ng nakaharap na niya si Eva Candelaria (Vilma Santos).
At ang ikatlong katunggali ay si Arjo sa “Topakk” na talagang bago ang ipinakitang pag-arte dahil may post-traumatic stress disorder (PTSD) siya bunga ng nangyari sa mga kasamahan niyang sundalong pinatay na wala siyang nagawa at dala-dala niya ito hanggang sa bago niyang trabaho, sekyu sa isang abandonadong warehouse.
Anyway, inisip namin na mahigpit ang labanan nang mga nabanggit na aktor, e, mali pala, kasi OUT si Aga sa nominasyon na labis na ikinataka ng lahat na hindi na naming babanggitin kung sinu-sino sila na taga-production, dalawang direktor (hindi kabilang sa “Uninvited”) at artista.
And the winner is Dennis Trillo, tapos!
Samantala, bago ang naganap na Gabi ng Parangal ay nabanggit ni Dennis na ayaw niyang magpa-stress kung sino ang tatanghaling best actor, bale ba ito ang unang beses nilang makipag co-produce sa pelikula, ang Brightburn Entertainment.
“Ayokong magpa-stress sa pagalingan. Ayokong magpa-stress sa paligsahan. Gusto ko lang, i-enjoy lahat ‘to dahil winner na ‘yung pakiramdam na napili ‘to sa daan-daang entries na nag-submit kaya do’n pa lang, blessed na, feeling blessed kami pareho,” sambit ng aktor.
Dagdag pa, “Nakakatuwa dahil ‘yun ‘yung pinaka-numero unong critic ko, eh. Bihira siyang manood ng mga projects ko, piling-pili lang. At dito, hindi ko inasahan na maiiyak talaga siya as in breakdown, ang tagal niyang maka-get over kahit tapos na ‘yung pelikula.
“So, du’n ko napatunayan na merong something itong proyekto na ‘to na kukurot talaga sa damdamin kahit sinong makakapanood dahil makaka-relate ka, eh. Simple lang ‘yung kwento, pero powerful siya.”
At dahil sa pagkapanalo ni Dennis at nahirang na Best Picture ang “Greenbones “ay umabot na sa 100 cinemas sila nationwide mula sa wala pang singkuwenta rati.
The post Dennis never naisip na magiging Best Actor sa 50th MMFF: ‘Gusto ko lang i-enjoy’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments