Responsive Ad

Juday 3 beses nang Best Actress sa MMFF: ‘Parang ‘di pa totoo, but I’m happy!’

Juday 3 beses nang Best Actress sa MMFF: 'Parang 'di pa totoo, but I’m happy!'

Judy Ann Santos

MAKALIPAS ang anim na taon, si Judy Ann Santos ang muling hinirang na Best Actress sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na sakto pa ay nagdiriwang ngayon ng Golden anniversary.

Kinilala si Juday dahil sa mahusay niyang pagganap sa 2024 entry na “Espantaho” mula sa direksyon ni Chito S. Rono.

Kung matatandaan, taong 2019 nang huling manalo ang aktres sa MMFF dahil sa pelikulang “Mindanao” na idinirek ni Brillante Mendoza at noong 2006 naman ang una niyang MMFF award sa pelikulang “Kasal, Kasali, Kasalo” directed by Jose Javier Reyes.

Anyway, ang swerte ng celebrity mom dahil ang mga tropeo ng MMFF50 na iginawad sa mga nanalo ay gawa sa Silver Figurine with an Upper Torso of Film reel and Filmstrip mula sa disenyo ng Filipino-American visual artist based in Orlando, Florida na si  Jefrë Figueras Manuel.

Baka Bet Mo: Juday nagsalita na tungkol sa naging tunay na relasyon nila ni Rico Yan: Bargas na tao rin at napakatotoo

Sa nakaraang media launch ng “Espantaho” ay nabanggit ng aktres na hindi niya ini-expect na mananalo siya, pero kung papalarin ay bonus iyon bilang artista at co-producer ng pelikula.

Yes, pinasok na ni Judy Ann ang pagpo-produce under the guidance of Quantum Films producer, Atty. Joji V. Alonso gamit ang produksyon company niyang Purple Bunny.

Kaya concerned ngayon ng aktres ay sana maraming makapanood ng “Espantaho” na kasalukuyang nasa top 3.

Sa ginanap na Gabi ng Parangal noong December 27 sa Solaire Grand Ballroom, Solaire Resort Entertainment City ay kitang-kita ang kaba ng aktres bago i-anunsyo ang winner ng Best Actress dahil ang matindi niyang katunggali ay walang iba kundi ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos para sa pelikulang “Uninvited” mula sa direksyon ni Dan Villegas.

Going back to Juday ay maluha-luha siya ng marinig ang pangalan niyang siya ang nanalo at kinalma muna ang sarili bago umakyat ng entablado na halatang nanginginig at pagbaba ay ganu’n pa rin ang pakiramdam at dahil sa taranta ay hindi niya maibalik sa envelope ang katunayang nanalo siya.

Natawa nga ang mga nakarinig sa expression ng aktres kaya tinulungan na siya ng aktor at isa sa miyembro ng hurado na si John Arcilla.

Kaliwa’t kanang kislapan ng mga cellphone at DSLR cameras kay Judy Ann kasama ang nagwaging Best Actor na si Dennis Trillo para sa “Greenbones.”

Aniya, “Hindi ko ma-explain (pakiramdam) dahil it could be anyone. Thank you at hindi ko pa mawari ang nararamdaman ko parang hindi pa siya totoo, but I’m happy for ‘Espantaho,’ this is for my film, everyone’s film, we all worked hard.”

Sa tanong kung gagawa siya uli ang pelikula para sa 2025 Metro Manila Film Festival ay depende raw kung may magandang script at depende kay Atty. Joji na katabi ni Juday habang ini-interbyu siya.

Halatang nabibigatan naman ang aktres sa kanyang tropeo kaya’t mahigpit niya itong hawak ng dalawang kamay dahil baka mabitawan niya.

Congratulations Juday!

The post Juday 3 beses nang Best Actress sa MMFF: ‘Parang ‘di pa totoo, but I’m happy!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments